Powered By Blogger

Chapter XXVI: Alien

       Nakakatuwang isipin na sa kabila nang nahirapan ako sa pag-aaral n’ung ako ay nasa kolehiyo d’yan sa kumbento ng Morga, Tondo ay naisipan ko pa rin kumuha ng sakit ng ulo na talagang nagpapatunay na may sapak ako, ang masteral ng Nursing.
        Nagsimula akong maghanap Kolehiyong tumatanggap ng katulad ko sa kamaynilaan. Sa una ay nahirapan ako, pati sa pangalawa at pangatlo, pati na rin ang pang-apat na eskwelahan na tinanungan ko kung tumatanggap sila ng alien na may malalaking mata (Naka-shades). Sa kabutihang palad ay walang nais mag aruga ng nasabing alien, maliban na lang sa isang bahay ampunan matatagpuan sa kahabaan ng lansangan ng Pedro Gil, na may katapat ng Plaza at nag-eehersisyong mga lola. At nung nalaman naming walang entrance eksam ay sumimangot ako tumalikod sabay bulong na, Yis!

          Siya nga pala binabati ko sa pahinang ito ang aking mga klasmeyt na katrabaho ko din sa Ospital sa kanto ng Nolasco, Tondo na itatago na lang natin sa pangalang dyerom at karla kung nasaan man kayo ngayon, “Fulltank ka!, Rambo ka!”. Maraming salamat dahil naging parte kayo ng mga kalokohan ko simula sa unang araw na na-late tayo, sa mga reporting na hindi matuloy-tuloy, sa pag-simangot ng cashier sa canteen na ang sarap barilin na parang inis na inis sa akin, sa pagsusunog ng oras sa pakikinig sa “Alamat ng Militar”, ang unang pagsagot ni dyerom sa klase hanggang sa maisip niyang hindi na lang pumasok (peace ‘tol), ang pananahimik ni karla hanggang sa unang sambit ng First Word n’ya sa klase (Peace, bawian n’yo na lang ako sa ospital, pahina ko ‘to e). Maraming-maraming salamat sa inyo dahil kahit di n’yo ko klasmeyt sa Morga, Tondo, tinuring nyo kong di ibang Alien sa buhay n’yo, da best ang pakikisama n’yo. Pramis pag gagradweyt ako, yayakin ko at iki-kiss ang nakasimangot na cashier sa canteen! Hahaha... (Ayaw ko na yata grumadweyt).
Well, napakaboring ang mga una naming klase naming d’yan sa eskwelahan sa kahabaan ng Pedro Gil, ibang-iba kumpara sa klase sa Morga, Tondo. Kaya kung kayo ay estyudent o gradweyt ng Kumbento sa Pusod ng Tondo, “Be Proud” dahil ang laki ng edge n’yo na makipagsabayan sa ibang planeta sa kursong ng nursing. Di ko rin naman masasabing, tayo ang magaling dahil talagang marami ang magaling. Ang nais ko lang linawin ay malawak ang ibinigay sa ating karanasan ng kumbento upang higit nating maunawaan ang propesyon na ating pinili. At ang malawak na pananaw na iyon ay paraan para higit natin pagsumikapan at di limitahan ang ating nalalaman. Siguro ay hindi nyo ako maiintindihan sa ngayon, ngunit nagsusulat ako sa pasasalamat sa bagay na natutunan ko na kasalukuyan kong pinapakinabangan.

Matatapos na ang unang semester ng klase, ngunit sa iksi ng panahong iyon ay marami akong bagay na natutunan, hindi lang sa libro kundi sa mga taong may mas malawak na kaalaman at karanasaan na dati ay wala akong panahon at pakialam. Hindi ko man matapos ang desisyon ko sa ngayon, mapalad pa rin ako na nabigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang mga simpleng  prinsipyo sa buhay na katulad nito.





Chapter XXV: Mohawk

Nakakapagod din palang maging pansinin, dahil kailangan mo pa laging ipaliwanag kung bakit mo pinili at ginawa ang isang bagay na sa una pa lang ay wala talaga akong pinagsisisihan. Di ko maintindihan kung bakit di nila maunawaan ang salitang “karapatang pumili” at “personal na desisyon”. Para sa akin ay wala naman masama hangga’t hindi ka nakakaapekto sa ibang tao at nagagawa mo pa rin ang mga bagay na ginagawa mo dati ng maayos.
Sabi nila ang salitang “Respeto” ang bagay na una mong isasaalang-alang sa pagdedesisyon, pero wala ako naiisip na masama lalo na’t ginusto mo ang isang bagay at alam mong dun higit kang magiging masaya na masasabi kong kapantay iyon ng “Respeto sa Sarili”. Kung pipiliin mo ang isang desisyon ngunit hindi taos sa iyong puso ay parang ngumunguya ka ng bubble gum na walang lasa at nakikisama sa mga taong hindi ka lubos na komportable. Kung pagbabasehan ko naman ang salitang “mukhang karespeto-respeto”, ay parang nagbebenta ako ng aking sarili upang pagkatiwalaan nila ako. Para sa akin ay wala sa itsura ang salitang respeto, ito ay nakukuha sa pakikisama mo sa iba ang kung paaano mo rin sila tinatanggap bilang isang tao. Hindi lahat ay nakukuha sa panglabas na anyo, posisyon o estado sa buhay, ang salitang “Respeto” ay nakikilala sa uri ng pakikisama mo sa iba at kung paano mo tinuturing silang parte ng iyong mundo bilang kapatid, kaibigan o ka-trabaho. Hindi ko rin naman pwedeng sabihing “Irespeto mo ako”, dahil sa maykakayahan akong hawakan ang isang tao. Mas masarap yata ang pakiramdam na ginagalang ka dahil sa kaalaman o kakayahan mo at hindi dahil sa posisyon at obligasyon na nakaatang sa’yo at higit pa kung nakakasama mo ang mga taong rumerespeto sa’yo na parang mga kabarkada lang sa kanto. Hindi ko naman tinatanggi ang kahulugan ng “respeto sa unang tingin”, ngunit higit ko lang sigurong pinapahalagan ang “respeto sa pangalawang pagkakataon” ang respetong maaaring magtagal ng habang buhay. 

Ang sarap siguro ang pakiramdam na nagagawa mong pumili na walang nakikialam ngunit nirerespeto ka nila dahil alam nilang higit kang magiging mas masaya at ganun din ang pagtingin mo sa iba. Hindi ko rin naman kasi yatang sabihing ang dumi ng mukha mo, kung may dumi rin ang mukha ko maliban na lang kung parehas kaming bulag sa katotohanang parehas kaming madumi. Sa kabilang banda, wala naman sigurong makakapagsabing siya ay matuwid o karespe-respeto, walang dungis ang mukha at malinis sa pananaw ng diyos. Ang kadalasang mali sa ganitong konsepto ay ginagawang pamantayan ang kaalaman ng tao sa pagtitimbamg kung alin ang mukhang matuwid at katanggap-tanggap.

Sana ay nalinawan ang iba sa ibig kong sabihin, at naintindihan ninyo ang mas malalim na kahulugan ng salitang respeto na hindi nabibili kung saan-saan, ito ay pinag iipinunan, pinag-aaralan, hinuhubog ng karanasan, at hinihinang ng mga totoong tao na nakapaligid sa iyong buhay.
Isa ito sa mga aral na natutunan ko matapos kong magpagupit ng kontrobersyal na M0HAWK. Ayoko na masyadong magpaliwanag dahil ito ay istoryang sensitibo “patnubay ng magulang ay kailangan”.


Chapter XXIV: Spiderbuster

         Dumadating ang panahon na minsan ay kailangan natin lokohin ang sarili sa katotohanang hindi sa atin ang isang pagkakataon. Kahit labag sa ating nararamdaman ay kailangan tanggapin ang isang opurtunidad o pangyayari dahil iyon na lang ang natatanging paraan upang higit sumaya ang iba, kaya ang resulta ay kabiguan ng personal na kasiyahan. Ang drama ko no? Well, trip ko lang i-type ‘yan dahil sa isusulat ko ngayon.
        Nakakataba ng puso sa tuwing naiisip ko na marami na ang bumabasa ng mga sinulat ko, ni-minsan hindi tumawid ko sa isip ko na makakagawa ako ng mga listahan ng aking karanasan ng magiging kaaliwan ng mga taong iba ang trip sa buhay, ang pagbabasa ng mga ketonging kwentong tulad nito. Natuwa ako nung minsan ang tinanong ako ng isang estudyante d’yan sa pinanggalingan kong kumbento-eskwelahan sa kanto ng Mogra, Tondo;
Estyudent: Sir!
Bob-Piz: Ano ‘yun?
Estyudent: Ka’yo po ba si Bob-Piz?
Bob-Piz: (Smile, sabay petit mal seizure) ah e!
        Hindi ko alam kung magiging proud ako, dahil baka iba ang interpretasyon n’ya sa mga sinulat ko. Malay ko kung ano ang iniisip n’ya, ‘’Siya pala ‘yong Nurse sa ospital na pabibo at maraming ginawang kalokohan, nakakatakot siyang kasama!’’.
Bob-Piz: Baket ? parang gago noh ?
Estyudent: fan n’yo po ako sa facebook e.
Bob-Piz: (Smile ulit kasunod ang Grand mal seizure) hehehe…
        Sila ang mga simpleng inspirasyon ko kaya hindi ako nagsasawang magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad nito. Natutuwa ako dahil kahit na hindi sumikat ang totoo kong pangalan ang mahalaga sikat si kapatid na Bob-Piz, ang anino ng tunay at masaya kong buhay. Siya nga pala binabati ko ang mga fourth year student batch 2011, dyan sa likod ng ospital na nakakakilala sa akin kung nasaan man kayo, “Fulltank kayo, Rambo kayong lahat, salamat sa pagbabasa sana wala kayong ikukwento dyan sa kumbento!”
        Hindi man ganung kalakihan ang ospital na aking pinapasukan d’yan sa Pusod ng Tondo, ngunit nanatiling sikat ito mula sa iba’t-ibang karatig lalawigan. Sa katunayan hindi lang tao ang kadalasang nagpapakunsulta dito, may mangilan-ngilan din akong nakikitang pusa na kadalasang laman ng hallway na parang namamasyal lang sa park, ganun din ang mga kuting na lumalaki na dahil hindi makapagbayad ang inahing pusa sa laki ng bill, kaya naisipang tumira na lamang sa mga kisame malapit sa dietary section dahil sa personal na kadahilanan. At kamakailan ay isang insekto naman ang namataang nakapasok ng ospital na nagdadala ng nakamamatay na sakit, na aking ikukwento sa inyo ngayon.
        Maaga ako pumasok noon sa ospital ngunit nabalitaan ko na wala kaming pasyente sa loob ng ICU, kaya nauwi ako bilang isang Private Duty Nurse (PDN) sa isang pasyente. Noong una ay ayoko talagang mag-PDN, dahil mahirap mag-alaga ng isang demanding na pasyente ngunit dala na rin ng matinding pangangailangan ay pinatos ko na rin ang nasabing trabaho, na naging hudyat na katoxican ko.
        Simula pa lang ng araw ko ay naging usap-usapan ng magpipinsan ang isang gagamba na nakita nila sa kisame sa loob ng ICU, habang binabantayan ang pinsan din nilang pasyente na aking pinagkakakitaan (PDN). Hindi ako ganong kainteresado noon, dahil wala pa ‘yun sa pusa at dagang nagja-jamming tuwing gabi sa hallway ng ospital, kaya patay kwentuhan na lang ako sa kanilang usapan. Mga bandang alas-8 ng umaga ay nilapitan ako ng tatay ng pasyente at nagtanong;
Tatay: nakita mo ba ‘yung gagamba d’yan daw sa kisame?
Bob-Piz: Ah...e nakita nga daw nila d’yan! (Sabay turo sa kisame)
Tatay: ah ganun ba? (Sabay lakad ng tatay na parang may hinahanap)


Ganito Kaya 'yun?

        Alam ko na gagamba ang hinahanap niya, pero sa mga panahong iyon hindi ko na inisip kung ano dahilan n’ya sa biglaang search warrant, iniisip ko na lang na may sayad si tatay kaya minabuti ko munang umupo sa station. Pero wala pang ilang saglit ay lumapit ulit sa akin si tatay at sinabing ;
Tatay : alam mo kasi nung inatake ‘yang pasyente namin sa bahay ay may nakita kami gagamba na umaaligid-aligid sa bahay, tapos sabi ng albularyo yung gagamba na ‘yun ang may dalang sumpang sakit sa anak namin.
Bob-Piz (nagpipigil tumawa) Syeeet !!... (bulong sa sarili)
        Dahil sa tindi ng tama ni tatay at sa takot na mahawa ako at panandalian akong pumasok ng CR para ibuhos ang bungisngis ko sa bowl. Di ko mapigilan matawa noong araw na ‘yon pero dahil ako ang PDN nila ay kailangan ko silang pakibagayan. Kaya lumapit ako sa mga kamag-anak ng pasyente ;
Bob-Piz : Saan nyo po ba nakita ‘yung gagamba ? (panimula kong banat na parang siraulong nakangiti, at mukhang member ng ghostbuster)
Pininsan: D’yan sa kisame (Sabay turo), tapos pumasok daw dun sa loob ng kisame!
Tatay: kelangan mahanap natin ‘yun, kaya di gumagaling yung anak ko dahil sa gagamba na’yon!


Ganito kasi nasa isip ko e... Nakakabit sa ventilator!

        Hindi ko alam ang kung niloloko nila ako, pero dahil sa mukhang pursigido silang puksain ang nasabing suspek na walang kamalay-malay na suspek pala siya, ay minabuti ko na rin sumali sa search operation. Kahit labag sa karapatang pantao ko at wala ito sa job description ko ay nakihanap na talaga ako kunwari. Tumingin din sa gilid ng kisame, upuan, kama sabay kamot sa ulo na parang nabuburaot sa ginagawa.
Bob-piz (bulong ulit sa sarili) lintik, di ko akalain na gagawin ko ‘tong katoksikan na ‘to! Pano kung niloloko lang nila ako? At sabihin nila saking;
Tatay: excuse me... joke lang ‘yon! Hahaha... sineseryoso mo e!
        Baka kasahan ko sila ng baril, at “bang” na lang ang huling tunog nilang marinig. Pero sa awa ng diyos ay hindi naman nangyari ang ganun  pero lumiit ng ¼ ang mata ko ng lumapit ulit sa kin ang tatay;
Tatay: ano nakita mo na?
Bob-piz: hindi pa po e! (petit mal seizure)
Tatay: Pag nakita n’yo wag n’yong papatayin, huhulihin n’yo lang yun kasi ang bilin ng albularyo… ilalagay lang natin sa isang garapon.
Bob-Piz: Ganun po ba? Sige po! (grand mal seizure ulit)
        Kahit masama sa loob ko ang panibago kong trabaho ‘’Spiderbuster’’, ay minsanan ko pa ring hinanap ang busset na gagamba  sa loob ng ICU at sa kabutihang palad ay hindi ko na s’ya na kita. Nabalitaan ko na lamang kinabuksan na nahuli  na ang walang kamalay-malay na gagamba noong kinagabihan, nang isa kong katrabaho na may halong pagmamayabang! Hahaha… Syeeet!

Chapter XXIII: Fulltank

         Minsan maraming ang mga bagay ang inaakala natin mangyayari sa ating buhay, pero kadalasang maliit na porsyente lang pala ang posibilidad na mangyari ang mga bagay na di inaasahan. Depende na lang sa kung ano o sino ang inspirasyon mo at determinasyon mo sa buhay, ngunit kung hindi pa talaga napapanahon ang mga bagay na ginugusto mo wala tayong ibang pwedeng gawin kundi ang manalangin at maghintay.
“Anak ng Cotton balls”, yan lagi ang sentimyento ko sa tuwing tinatanong ako kung bakit hindi pa rin ako umaalis sa bansa upang tuparin daw ang tunay na destinasyon ng propesyon ko. Pero sa kabila ng katanungang may katotohanan malamang ay hindi ko na magagawa ang mga susunod na pahina sa Fun Page na ‘to at mararanasan ang mga pambihirang karanasan na dito n’yo lang mababasa kung papadala agad ako sa agos ng yaman ng pangingibang bansa, kaya sikreto lang ‘to. Para sa tatlong daan at walumpu’t walong mambabasa maraming salamat sa maiksing panahong pakikiramay sa himutok ng aking buhay.
Nag simula ng araw ko ng mga bandang 3:45am pagkatapos kong managinip ng “End of the World” na lubos kong kinatakutan, na gumising sa’kin para manalangin. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng aking panaginip, pero natakot ako dahil tumagilid pakaliwa ang aming bahay at nakarinig ako ng isang sigaw na humihingi ng tulong. Wala naman akong balak ipahula sa inyo ang aking panaginip habang nagbabasa kayo, kaya pumasok na ako ng ospital na may takot sa “End of the World”, at ketonging nagtatanong sa isip kung ano kaya kahulugan.
Kondisyon kong sinimulang ang aking duty upang alagaan ang tatlong pasyente sa Medikal ICU sa kasagsagan ng panimulang pananalanta ng bagyong Basyang. Inayos kong mabuti ang posisyon ng mga pasyente, lalo na ang Bed 2 na natatakpan ang mukha ng bentileytor. Inilipat ko mula sa kanan ang oksigen tangk at bentileytor papuntang kaliwa katulong ang mga kakosa ko sa ospital. Sa kabutihang palad matagumpay naming nagawa ang katoksikan ko, at payapang hindi gumagalaw ang pasyente habang naghihintay sa iniskedyul nyang himodayalisis.

Dumating na ang oras na kailangan na naming ilipat ang pasyente (bed 2) sa himodayalisis kaya tinawag ko na ang orderly na itatago na lang natin sa pangalang kuya Bong. Nagsimula na naming iusad ang kama ng pasyente, ngunit sa di inasahang pangyayari... (hingang malalim) haixt! Bumagsak ang oksigen tangk na nakakabit sa bentileytor ng pasyente. “bang” na parang nabasag na pinggan kasunod ang napakalakas na tunog ng sumisingaw na oksigen at pagbagsak ng bentileytor, napakabilis ng mga pangyayari kasing bilis ng pagkawala ng trainees, students at kasama kong nurse sa loob ng ICU. Siya nga pala binabati ko sa pahinang ito ang mga ka-duty ko noong araw na ‘yun, kung saan man n’yo natagpuan ang sarili n’yo ng sumingaw ang oksigen...
Bob-Piz: Fulltank ka!, Rambo ka!
At syempre hindi ako papahuli napalundag din ako ng halos kasing taas ng isang CVP manometer... pasukat na lang, wala kong time! Hindi ko na halos maikwento ang mga sumunod na pangyayari, hindi na rin ako gumalaw ng 5 seconds na parang nag “Stop Dance”, natauhan na lang ako ng makita ko si peysyent bed six na parang binoblower ng oksigen sa lakas at nagmistulang model ng shampoo, ngunit nanatili pa rin hindi umalis sa pagkakahiga si bed 1 na parang walang nagyari, comatose kase... takot ko lang pagnakita ko siyang tumayo at,
Bed 1: (tinakpan ang tracheostomy at nagsalitang parang robot) ahhh... excuse me!, labas muna ako ingay e.
Bob-Piz: geh... take your time! (sabay lipad)
        Madali namang napatahan sa pag-iyak ang oksigen matapos nyang mabaldog sa floor. Hindi ko na nakuha sa eksena kung paano sya inaruga ni kuya Bong pero everything is under control! Syempre gaya ng inaasahan dumating ang mga kamag-anak ng pasyente kasabay ang tsismoso’t tsismosa sa teleserye, pero nanatiling speechless si bed 1, na nagmistulang pipi sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung paano ko sila ie-entertain isa-isa kasabay ang autograph ko, pero syempre kalingan panatilihing artista ako sa mga pangyayari, hindi ko pinakitang natakot ako sa kabila ng obvious naman sa itsura ko. Salamat naman at nanatiling mabait ang mga pasyente lalo na si beb 1 na idol ko, thankful ako sa kanya dahil pinanatili nya confidential ang shooting namin, Mwah!
        Ilang minuto ang nakalipas, pumasok sa cotton balls kong brain ang panaginip kong “End of the World”, hay nakakatakot talaga na araw buti na lang ay walang masyadong nasira maliban na lang sa isang pirasong kwento ng buhay ko.


Chapter XXII: Bord Eksam

        Kung meron mang pinakaaantay ang araw ng mga estudyante sa kumbento dyan sa Morga, Tondo ‘yun ay ang independence day nila matapos nilang bunuin ang apat na taon pakikipagsapalaran kung papasa ba  sila o hindi, na parang nakikipaglaro kay kamatayan.


       Well, ang sarap talaga ng pakiramdam ng gumradweyt dyan sa kumbento kasi pakiramdam mo ay sobrang galing mo na kahit hindi naman talaga. Konti lang kasi ang nabibigyan ng pagkakataon na makatutong at makatapos dahil sa higpit ng training na parang Philippine Army. Nung natapos ko ang apat na taon ng pagsusunog ng kilay pakiramdam ko ay lumulutang ako na parang adik sa lansangan at mas naging excited pa nung isa-isa na kami tinatawag sa harapan ng stage nung araw ng recognition day, “Bob-Piz” sabay abot  ng diploma at kinabitan ng bilog school pin na may maliit na kadena na simbolo ng pagkakabilanggo sa gilid ng aking kwelyo. Pagkatapos n’un ay lalakad ng konti sa harapan poporma at ngingiti sabay pitsur ng potograper na parang model ng toothpaste o shampoo. Higit pang mas exciting ang umasang matatawag ka sa mga natatanging estudyante ng batch ninyo at sasabitan ng medalya. Pero sa kabutihang palad ay di naman natawag ang aking pangalan, hindi pa rin sila nagkamali hanggang sa huling pagkakataon.


        Matapos ang hallucination ng Class nagsimula na ang review sa SM mall “este”, sa isang Review Center sa kahabaan ng LRT2. Sa totoo lang mas excited pa akong sumakay ng LRT2 kaysa magreview dahil n’ung panahon iyon ay bago pa ang mga malalaking uod ng tren na lubos na nagpataong bundok sa’ken. Kahit na malayo pa ang V. Mapa sa destinasyon ko ay pinili ko pa rin sumakay d’un for the experience hanggang parang candy pinagsawaan ko ang nasabing uod papuntang Araneta. Matapos ang dalawang buwan na pagsakay ng LRT2, dun ko lang na napagtantong na nagrereview pala ako kaya nagkandarapa ako sa paghabol ng mga topic na dapat kong aralin, kahit di naman totoo. Hindi naman talaga mahirap ang review dahil nga galing ako sa malupit na kumbento, hindi sa pagmamalaki ang batch naming ang laging top sa nga pre-board exam kahit saan mang kwarto, sa batch din naming kadalasan nanggagaling ang top 2 ng mga mini-eksams nila kasi klasmeyt din naming sa review center ang Top 1 ng bord eksam, aw... taob hindi naming sya kaya!
Dalawang linggo bago ang bord eksam, kinundisyon ko at niliko ko ang sarili ko na matatapos na din ang lahat pag-aaral na’to. Binuklat ang mga lumang lecture, binasa ang mga notes sa review at inuto ulit ang sarili sa nakaka-buang na pagbabasa.
Dalawang araw bago mag bord eksam ay pi-nost ng PRC ang mga lugar kung saan kami kukuha ng pagsusulit, nalaman kong malapit lang din sa review center na pinapasukan ko ang lugar na aking pag eeksaminan. At dumating na ang araw na pinaka-aabangan.
        Alas-kwatro ng umaga, sabado araw ng board exam, puyat akong bumangon dahil hindi ako makatulog kagabi kakaisip. Nag-almusal ako at naligo na parang wala sa sarili, kinakabahan at mayrong di maipaliwanag na nararamdaman. Sinuot ko ang aking skul uniporm na may pin din na logo ng kumbento, sinuot ang bago at puting sapatos na ginamit  ko noong recognition. Madali kong tinahak ang lugar na itinakda kung saan ako mage-exam at saktong alas syete ng umaga ng nakarating ako sa nasabing destinasyon. Pero bago magsimula ang exam ay napansin kong marami ang may dalang cellphone kahit na ipinagbawal daw na “bawal magdala”, na hindi ko alam kung sino nagsabe. Kaya ayon pakiramdam ko naloko ako, pero binulong ko na lang sa sarili ko, “pasensya na first time ko e”. Habang inaantay ang simula ng exam ay kinanta ko ang theme song na “I Surrender All”, yeah totoo ganito ang paraan ko para mawala ang kaba ko. Sinimulan na ang maikling panalangin kasunod ang mga papel ng board exam. Ganun din ang nangyari sa sumunod na araw, hindi ko pa rin dinala ang cellphone ko, baka kasi bigla sabihin na, “lahat ng may cellphone ay hindi kukuha ng exam” na hindi minsan nabanggit ng nagbabantay. Tunay nga, tokneneng nga  ako!
        Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan wala pang balita sa resulta ng board exam hanggang sa dumating na ang balitang may leakage na ang aming exam at napapabalitaang magkakaroon ng voluntary retake. Yes, makakapagdala na ako ng cellphone! Itutuloy... lintik may retake!

Chapter XXI: Pyutyur

Sino ba si Bob-Piz? Bakit kaya sa dami ng kanyang pwedeng gawin sa buhay ay pinili nya pang mag laan ng panahon sa walang kwentang pagsusulat? Puro kalokohan lang naman, entertainment ika nga at maaaring hindi mag-click sa mga taong hindi dumaan sa parehas na landas namin sa Tondo. Ano bang pakialam ng iba sa mga kalokohan kong humugis sa pagiging ketongin kong Nurse? Paano kung hindi naman nurse ang bumabasa at lawyer pala? Tiyak kalaboso ang nag aakalang bagong bayani at idada-drawing na lang niyang ang buhay sa Pusod ng Rehas.
Weh ang epal no? Iyan ang katarantaduhang iniisip ko kapag wala akong magawa sa bahay. Tanong ko sa sarili ko, “ano kaya pwede ilagay sa libro ng Bob-Piz na pinapangarap ko?, kailangan medyo Rock ‘yun tipong sasabihin ng magbabasa, “Syeeet! pu@#$%... Anak ng cotton balls, parang gago lang ah!” at ilbis na bilin nya sa National Bookstore at PowerBook ang aking akda, ay uupo na lang siya sa isang tabi upang libre itong basahin na meron pang panghihinayang sa oras at panahon. Makikita mo siyang babasa, kumukunot ang noo at paminsanang ngumingiti na hindi mo alam kung naiintindihan nya ang kanyang binabasa, sabay bibitawan ang libro at mangungulangot na lang.
Mambabasa: Hay, sayang lang ang buhay ng taong gumawa ng libro na ‘to! (sabay pahid ng kulangot sa libro).
Bob-Piz: (kakasa ng Baril) Bang! (bulagta ang mambabasa)
        Magiging palaisipan ang pagkamatay ng mambabasa, dahil ang huli naman nitong ginawa ay ang magbasa ng librong Bob-Piz. Kaya magiging kontrobersyal ang nasabing libro at pagkakaguluhan ang libro to all bookstores nationwide! Doon magsisimulang yumaman si Bob-Piz at magiging tanyag miski sa lecturette ng mga langgam.
        Di ko rin masabing talent ito, dahil para lang naman akong gumagawa ng diary ng buhay ko. Minsan naisip ko paano kung wala na ko sa tondo ano na ang magiging title ng book ko? “Bob-Piz: Ang Paglalakbay!”... syeet! parang taong nasira ang buhay! “Bob-Piz: Mga tips para mawalan ng lisensya”, yeah! Parang mabangis ‘yun kaso wala man lang moral lesson. “Bob-Piz: Mga hiwaga ng buhay”, puchat mukhang wala lalong babasa kasi mukhang Horror or horoscope ang dating. Hay siguro wag ko munang isipin dahil pang ilang Chapter pa lang ito.
        Gusto ko rin sana sagutin ang katanungan sa pahinang ito ang kahulugan ng salitang Bob-Piz. Ito ay hango salitang espanyol na hinango sa salitang griyego at hinango ulit sa salitang ingles, At pagkahango sa ingles hinango ulit ito sa salitang Mars hanggang sa ako na lang ang nakakaintindi. Di ba ang lupet pero sa totoo lang naisip ko ang pangalang iyon habang ako nagbabawas ng kargado ko sa inidoro, at mabasa ang lahat nang malilikot at malalayang katha ni Bob Ong na talaga naman pagkakamalan kang baliw sa LRT kakabungisngis, pero bago pa niya ako maging number one fan e naging idolo ko na si Ed Lapiz, isa siya sa mga epektibong manunulat na nakilala ko sa larangan nang pagpapalawak ng isang pagiging mabuting Kristiyano. Sa sobrang paghanga ko sa kanya ay inubos ko ang pera ko kakabili ng kanyang libro hanggang sa di ko na mabasa lahat. Pero tantsa kong mga 85 porsyente ng kanyang naisulat ay binasa ko na. Nang pumasok naman si Bob Ong sa buhay ko ay malas namang nabili ko ang ilan at nabasa ko ang lahat ng kanyang libro, konti lang kasi ‘yun e. Kaya ayon nabuo, sa aking isipan ang paggawa ng sarili kong pahina na hinango sa mainit at kumukulong mantika ang Salitang, “Bob-Piz”. Malaki rin ang naging inspirasyon ko sa mga manunulat na sina Eric Maliwat, Maloi malibiran na nagpapilit sa aking gumawa ng Bob-Piz dahil sa una niyang isinulat sa Pro-tips at Vlad Gonzales. Hindi man ako maging kasing sikat nila balang araw... kahit bukas na lang sana! Hindi rin naman ako umaasa mapakinggan sa radyo kagaya nila, okey na lang din sa akin sa telebisyon di naman ako masyadong ambisyoso. Pero sa mga bumasa, bumabasa at babasa pa lang maraming salamat sa panahon na inyong sinayang sana ay minsan ninyong nakalimutan ang inyong ulirat ang kung nasaan man kayo...Fulltank ka!, Rambo ka!

Chapter XX: PCOS

       Sabi nila sa mga boto daw ng bawat Pilipino nakasalalay ang kinabukasan ng bayan, ang sabi ko naman “okey”. Kaya sa kabila ng pagiging mongoloid ko tinanggap ang responsibilidad ng pagiging isang mabuting mamamayan kahit na hindi ako sigurado sa gagawin ko.
        Wel, malupit daw ang botohan ngayon kasi gagamit daw adbans na teknolohiya para mabilis mabilang ang mga boto, pabor sa mga nagmamadaling manalong mga kandidato. Ang tawag daw doon ay ”Precinct Count Optical Scan Machine” o PCOS masyin in syort, na madalas na naririnig sa mga telebisyon lalo na sa Channel 2 at 7. Iyon ay kulay itim na akala mo’y poto kapi masyin na may nakalagay na Smartmatic sa gilid, na kumakain ng matigas na papel at tangang botante. Sa matigas na papel nakasulat ang mga listahan ng mga  kurap, “este” kandidato katabi ang bilog na hugis itlog na madalas kantahin ng seksbam sa patalastas.
        Makasaysayan ang botohan dahil pers taym itong gagawin sa bansa pero hindi pa rin mawawala ang mga hindi maka-move on sa manu-manong bilangan at natatakot na botante. Kaya bago ako mag mukhang engot sa nalalapit na botohan, gabi bago ang botohan ay isinulat ko na sa isang maliit sa papel ang mga tinayaan kong mga kandidato para makahingi ako ng balato. Teka binabati ko nga pala sa pahinang ito ang mga iboboto ko, kung nasaan man kayo, Fulltank kayo!, Rambo kayo! Makarma sana ang mga magnanakaw sa inyo at kainin sana kayo ng PCOS machine!
        Araw ng botohan, umaga pa lang ay nagkalat ang mga tao sa labas ng eskwelahan, ang dami eksayted sa launching ng PCOS masyin na parang pelikula, habang ako naman ay nakasakay sa tinulugang jip papauwi galing sa Jamming ng trabaho. Sinadya kong hindi pumunta at bumoto ng maaga dahil sa dami ng tao gaya ng sinabi sa mga telebisyon.
        Binabati ko nga pala ang midya na nagbabantay ng botohan, nagustuhan ko ‘yung Hologram style sa paghahatid ng inyong balita, Syet, Ang lupet!
        Saktong alas-2 ng hapon ay nagpunta na rin ako sa eskwelahan na may halong kaba na parang magbo-board Exam. Nagdala ako ng Ballpen kasi hindi ko alam kung ano ipangsha-shade sa bilog na hugis itlog, bimpo at tubig na panawid pagod sa paghihintay sa nalalapit na exam. Sa kabutihang palad wala pang masyadong tao nang dumating ako dahil may kainitan ang panahon, mga sampu lang kami nakapila na parang naghihintay  sa poso ng tubig, at wala pang 30 minuto ay hinanap na ang aking pangalan na may pagdududa, joke ‘yun! Kinakabahan ako sa di maipaliwanag na dahilan, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko, paano kaya kung sa time ko pa nasira ang PCOS masyin ano kaya ang sasabihin ng mga tao?
Mga tao: BOooohhhhh!
Bob-Piz: Mga hayop kayo! (naka-Fuck you)
        Sa kabutihang palad ng tinanggap ko na ang balota, at kinanta ang theme song na “may bilog na hugis itlog”. Binilugan ko ang mga kandidato ko, tapos biglang pumasok sa isip ko, Paano kung dalawang president ang na-shade ko?
Bob-Piz: Syeeet!, ang tanga ko! *%&%@... (laki mata), Ma’am pwede po ba ko makahingi ng isa pa, dalawa na shade ko e!
Mga tão: BOooohhhh!
        Sa kabila ng mga katarantaduhang pinag-iisip ko, tumayo na ako at lumapit sa PCOS machine na may halong kaba para ipakain ang balota ko matapos i-shade ang mga bilog na hugis itlog.
PCOS Masyin: Congratulation!
Bob-Piz: Yis! (smile)
        Saksespul ang pagboto ko, kaya lumapit na ako sa naglalagay ng indelibol ink! Wel, I’m proud hindi dahil nakaboto ako kundi dahil hindi ako nagmukhang bobing sa pagboto. Lintik na pag boto ‘yan may pressure.
Gawaing Pagsasanay:
1.    Ano oras ka bumoto? Eksayted ka ba?
2.  Nagisip-isip ka din ba ng kung anu-ano na parang sira ulong kagaya ko? Yabang!
3.   Manu-mano o PCOS? Makipag-away sa kapitbahay ukol dito.


Chapter XIX: Tondo

        Siguro kaparehas ng pananaw ng iba ang dating pananaw ko sa lugar ng Tondo, Manila. Kapag sinabing Tondo, madaling papasok sa isip ng tao ang katagang “nakakatakot” dahil sa mga anunsyong patayan, nakawan at holdapan. Ngunit sa loob ng pitong taon pananatili sa nasabing lugar, binago ng mga taong nakapaligid sa akin dito ang pananaw ko sa tungkol sa kahulugan ng “pakikisama at respeto”.
        Ang Tondo ayon kay kuya kim, ay hango sa pangalang “Tundun” na hindi ko alam kung saan galing, bago pa dumating ang mga kastila. Ito ay may kabuuang sukat na 9.1 kilometro parisukat  gamit ang ruler at isa sa mga pinakamadaming populasyon sa buong mundo, sa distrito ng Maynila na may populasyon na humigit-kumulang 630,000 plus 1 kasama pa ko. Matatagpuan din dito ang tanyag at dinarayong Divisoria na tinatakasan ng maraming estudyante dyan sa kumbento ng Morga, Tondo.
        The best ang mga tao dito!, mababait at very hospitable lalo sa mga alien na katulad ko. Kagaya ng mga convenience store may mga tao sa lansangan 24 oras na may kanya-kanyang gimik, hindi gaya ng lugar namin sa Bulakan na alas-8 pa lang ng gabi kuliglig at palaka ng lang ang kausap mo. Nagtataka ang marami kung bakit nagsusumiksik ang mga pinoy sa Tondo, hindi lang iyon dahil sa trabaho kung hindi dahil sa kasiyahan na pwede nilang maranasan dito. Kung ikukumpara mo naman sila sa mga sa mga sibilisadong lugar tulad ng Makati, tila mas maaatim ko pang kumausap ng taga-tondo kaysa sa mga taong hindi kayang abutin ang simpleng kasiyahan ng buhay.
        Respeto, isa yan sa mga matamis na sangkap ng lugar ng Tondo. Hindi ka naman nila babarilin kung hindi ka mayabang at mata-pobre, hindi ka naman nila nanakawan kung mukha kang pulubi kaya swerte ako, hindi ka naman nila bubugbugin kung hindi ka sisiga-siga. Equality lang ang isa sa karaniwan nilang sentimyento kaya maraming Robinhood dito.
        “siya nga pala... sa mga Robinhood ng Tondo kung saan man kayo naka toka ngayon... Fulltank kayo! Rambo kayo! Galingan nyo!
        Sto. Nino Fiesta!, ang pinakamasayang pinagdiriwang sa Tondo sa kabila ng kakapusan at kahirapan. Lahat halos ng bahay na napuntahan ko ay may handa at di matapos-tapos ang mga mosiko sa kalsada kahit abril na. Sabi nang iba kong nakausap, higit nilang pinaghahandaan ang fiesta kaysa sa pasko na hindi ko ma-gets kung bakit noong una hanggang ngayon. Marahil sa panahon na yon nabuhay ang kristianismo sa kanilang lugar na patuloy nilang ipinagpapasalamat.
        “teka binabati ko nga pala ang mga taong nagpakain sakin d’yan noong Fiesta!, kung nasaan man kayo... Fulltank ka! Rambo ka! Salamat ng marami.
        Hindi man kasing ganda ng lugar na higit kong pinapangarap ang Tondo, dito ko naman  nakita kahalagan ng simpleng buhay. Marami mga taong magagaling at gustong umasenso, at kung mabibigyan lang sila ng pagkakataon magamit iyon, tingin, ko ay higit pa nilang maiguguhit ang kanilang di pangkaraniwang pangarap.

Chapter XVIII: Sisiw

         Sabi nila malaki ang kinalaman ng personalisad ng isang tao sa mga nakaraan niyang karanasan nung bata pa siya, na mariin ko namang pinaniniwalaan. Kaya kung pinalaking istrikto ang bata sa malamang istrikto rin siya paglaki o marahil rebelde, kung pinalaki na mang bara-bara maaring ang resulta ay ganun din at walang direksyon sa mga desisyon, na parang ginagawa ko ngayon. At marahil isa ito sa mga istorya kung bakit pariwara ang buhay ko at di ko makonek sa propesyon kinaaadikan ko.
        Minsan nakita ko ang batang pamangkin ko na may hawak na kulay pink na sisiw, ‘yun daw ay bunot niya sa tapat ng eskwelahan. Teka sa mga sosyalista, ang larong BUNOT ay isang uri ng sugal na karaniwang makikita sa tapat ng eskwelahan. Ang facilitator nito ay mga matatandang nomadic na may dalang kulungan na nahahati sa tatlong palapag, laman nito ay ang mga pugo, itik at singaw na sisiw na mabagal lumaki na kinulayan pa ng pink, orange, green at kung anu-ano pa depende sa tindang dyobus sa kanto na nagpapatingkad at bumubulag sa mga aliw na aliw na bata at nag-iisip bata.
        Pero kung gusto mong sumali ito ang mechanics ng sugal. Una ay bubunot ka ng isang kapirasong ginupit na papel sa loob ng plastic ng yelo ng facilitator matapos mo munang iabot ang piso para sure na di ka tatakbo. After n’un ay pipitik-pitikin mo iyon at aaninagin sa araw para malaman kung anong numero iyon from 1 to 6, pero sa totoo lang ay di naman talaga maaaninag, basta kaugalian na iyon ng sugal, kaya gawin mo na lang. Kung na fe-feel mo na na iyon ang numero, sasabihin mo sa facilitator ng malakas ang numerong napakiramdaman mo para hindi maa-invalid, then ilulubog mo ang papel sa tubig na kalagay sa takip ng garapon kalakip ang iyong panalangin upang ma verify kung tama ang iyong hula. Kung parehas ang iyong hula sa numerong nakatadhana sa papel, ngingiti ka then make-claim mo na agad in an instant ang gusto mong kinulayang hayop sa loob ng kulungan, pero kung hindi mo naman nahulaan pwedeng ubusin ang iyong baon mo o bumalik kinabukasan ng mga bandang alas-4 ng hapon.
        Sa kagaguhan palad, isa rin ako sa mga dating bata na nagpa-membership sa nasabing sugal for free, kaya alam ko pa rin ang mechanics pero hindi ko na pinangarap maging facilitator. Ang naaalala ko na lang ay ang istorya ng aking sisiw noong Grade 3 pa ako.
Dear Ate Charo;
        Itago mo na lamang ako sa pangalang Reniel, hindi tunay na pangalan. (minsan madalas ko itong naririnig sa ang entradang ito sa tele-drama, pêro parang may mali). Grade 3 ako noon ng una akong magkaroon ng kulay green na sisiw galing sa bunot malapit sa aming eskwelahan. Masaya ako, noong mga araw na iyon dahil “one take” ko lang nakuha ang sisiw na may pagyayabang, pêro natatakot akong iuwi sa amin dahil baka pagalitan ako ng aking Ama, dahil madadagdagan na naman ang manok sa amin. Ngunit nagbakasakali pa rin ako itong inuwi at patagong inilagay sa isang bakanteng kulungan sa gilid aming bahay. Noong mga unang araw ay palihim kong inalagaan ang sisiw kasabay ang palihim na unti-unting pagnakaw sa “Chick Booster” ng aking ama, na agad naman niyang nalaman dahil nahuli niya ako. Aw! Kaya noong tinanong ako kung anong gagawin ko sa patuka, sinabi ko na lang ang katotohanan kaysa sabihin kong nagugutom ako.
        Mabilis lumipas ang maraming araw, ngunit hindi pa rin lumalaki ang sisiw kasi singaw lang siya, pero kapansin-pansing kumukupas na ang dyobus sa kanyang mga pakpak at lumalabas na ang kayang tunay na kulay. Dahil tanggap na siya ng aking Ama, madalas ay nilalabas ko na ito kasama ang ilan kong mga kaibigan na may alaga ring sisiw. (Yeah… ang yabang!) Nagdaan pa ang ilang linggo at buwan malaki na ang pinagbago ng sisiw, tinutuka na rin niya ako kaya pinapalo ko na rin siya ng patpat. Hayop talaga ‘yun!, pinapakain na… tutukain pa ko! Pinalitan na ko na rin ang kanyang patuka, kasi nagbago na rin ang patuka ng aking Ama.
        Ate Charo, dumating ang araw ng aming Boy’s Scout Camping sa Panghulo, Obando; mga pitong Baranggay ang layo nito sa amin. Kailangan daw naming magbaon ng damit at pagkain dahil buong maghapon daw ang activity. Sa mga panahong iyon ay gustung-gusto kong sumama, ngunit ayaw ng aking Ama dahil wala daw kami pera hindi na ako tumatanggi dahil alam kong iyon ang katotohanan. Ngunit sabi nya;
Ama: sige lutuin natin ang manok mo, para may pambaon ka!
        Hindi na ako tumanggi dahil kinabukasan na ang Camping, masama man sa loob ko na bakit hindi na lang manok niya ang patayin para may mabaon ako. Hindi ko na inalam kung paano niya kinatay ang manok at anong luto ang ginawa niya, pero hindi ko na kinain ang baon ko noon kinabukasan dahil wala na akong gana. The End.
        Hindi ko gustong ipakita sa pahinang ito ang pagiging ewan ng aking Ama, Marami lang akong bagay na natutunan pagkatapos noon.
        Dumadaan ang maraming panahon at mga pagkakataong makakakilala tayo ng maraming maraming tao na magiging malaking parte ng ating buhay ngunit hindi natin maiiwasan na darating din ang panahon na kailangan iwan ang bawat isa sa iba’t-ibang kadahilanan. Hindi natin masasabi at mapipili ang mangyayari, kaya gawin natin higit na mas naaalala ang mga panahon na kasama natin sila. Kaya siguro nabubuo ang pahinang ito para samantalahin ang pagkakataong ibigay sa iba ang pasasalamat sa mga bagay na naranasan at natutunan ko.

Chapter XVII: Itlog

          Malaki na ang pinagbago ng buhay ko simula ng mabigyan ako ng parola at matamasa ang kalayaan at ginhawa ng buhay matapos ang tatlong taong pagkukumbento sa isang eksklusibong eskwelahan. Sabi nila kapag nakatapos ka na daw sa kursong pagpapari “este ulit”, pagnanarsing d’yan sa Morga, Tondo, malaya mo nang maggagawa ang lahat ng trip mo sa buhay; ang mag-asawa, mangibang bansa, maging aswang, tikbalang at kung anu-ano pa. Mananatili din ang ilang kultura ngunit mangingibabaw pa rin ang maraming pagbabago pagkalipas ng ilang taon dulot na rin ng di pagkain ng itlog na may sabaw. Naalala ko tuloy ang opinyon na isa kong katrabaho noong baguhan pa ako sa Ospital;
Nurse: D’yan naman sa koleyg n’yo kapag nakatapos na ang estudyante lahat nagbabago at parang nakawala sa koral.
        Kahit na engot ako mabilis ko naman na gets ang joke ng katrabaho ko, sa panahong iyon gusto ko siyang paluin ng chart para  pasinungalingang ang kanyang mga akusasyon. Doon nagsimula na naramdaman ko ang dugong kumbento na ipagkakapatayan ko kung sakaling may maaapi na parang member ng Bioman. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong hinalo nila sa itlog na may sabaw, pero para siyang multay-baytamins sa tuwing maaalala ko, na nagpapalakas sa’kin.
        Lumipas ang maraming araw at buwan, unti-unti ay parang kinain ko ang sarili kong salita dahil hindi rin ako nakaiwas sa pagbabago, dala na rin siguro iyon ng init ng panahon, balakubak at bungang araw sa likod. Hindi rin nakaligtas ang ilan sa mga dati kong kakosa na kasabay kong nabigyan ng parola, lahat din sila ay nag iba pero pare-parehas pa rin kaming may kamay at paa.
        Sana na gets nyo sa pahinang ito ang ibig kong sabihin, Oo Malaya na ang isang presong katulad ko, pero hindi ibig sabihin na sa kabila ng pagbabago ay mawawala rin ang epekto ng itlog na may sabaw. Oo Malaya na rin ang ibang preso, pero hindi rin sila magiging malaya sa magagandang alaala na iniwan sa kanila ng kumbento at mananatili iyon hangga’t may naaalala pa sila. Kaya proud ako dahil naging destinasyon ko ang lugar na ito, at alam kong parehas din ang ilan sa mga bumabasa nito. Maaaring minsan nagkakamali ako sa mga desisyon, pero iyon ay indibidwal kong pagpili.
        By the way bago pa mapunta sa ibang usapan, binabati ko nga pala ang mga dating graduates ng iskul kung nasaan man kayo sa iba’t-ibang panig ng mundo... Fulltank ka!, Rambo ka!
        Sa mga nakalaya, lalaya, nakakulong at magpapakulong, maswerte kayong maituturing dahil ilan lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na makapasok at makakain ng itlog na may sabaw. At iyon ay hindi lamang isang aksidente kundi isang malaking aksidenteng magbabago sa pagkilala sa propesyon at destinasyon ng buhay.
Gawaing pagsasanay:
1.    Ipaliwanag kahit di maipaliwanag ang lasa ng itlog na may sabaw, isulat ito sa isang ½ index card. (ipapasa bukas)
2.  May nagbago ba sa’yo? Saan banda?
3.  Proud ka ba?, syet... proud din ako!

Chapter XVI: Piraso

          Saktong alas-4 i-medya ng umaga, kahit pupungas-pungas pa ang malaki kong mata sa puyat ay pinipilit kong ibangon ang katawan upang simulan ang paulit-ulit kong buhay sa isang kumbento ng mga Nurse sa Morga, Tondo.  Mula sa pagkakahiga sa kama ay parang automatic na nararamdaman ng bawat isa na gising na ang manok ng aming selde na binansagang Big Room. Nag-uunahan ang bawat preso sa pagsabing, “Gisingin mo ko ha pagkatapos mong maligo”, at susunod ang ilan sa pagsabi ng ganitong linya. Pagkatapos kong maligo ay isusuot ko na ang sagradong uniporme na pinalantsa ko kagabi, na may nameplate na tanda ng panibagong pakikipagsapalaran sa katabi nitong Ospital.
        Bago sumabak sa duty at didiretso muna ako sa Dining Hall upang purgahin ang sarili sa mga kakaiba naming agahan. Siyempre ang Menu for the Day ay Good Food, ang “Itlog na may puting sabaw”, mayaman sa protina at kolesterol. Kahit labag man sa aking karapatang pang sikmura ay nakangiti ko itong nginunguya bilang panawid gutom sa gitna ng pagkikipag- jamming sa mga pasyente sa loob ng walong oras. Bubuksan ko ang ceiling fan sa level 2, at magsisimulang kumain. Matapos magkombantrin at uminom ng dalawang basong tubig, muli ay babalik ako sa nakagisnang dormitoryo upang magsepilyo at ihanda ang mga sangkatutak at pinagpuyatang mga requirement upang bigyan ng naglalalimang marka.
        Bago ako pumunta sa aking grupo kinabibilangan ay didiretso ako ng tsapel upang personal na manalangin at humingi ng sangkatutak na guidance para di makagawa ng katarantaduhan. Ilang sandali ay makikisalamuha na ako sa mga puyat ko din klasmeyt at maghihintay sa ilang minuto para sa mga hindi pa dumadating.
        Saktong 5:30 ng umaga, hudyat na ng bodyakan! Lahat ay kumpleto na pati ang Clinical Instructor para manalangin at mag-devotion, meron pang patalastas na sharing para magtagal at di magpa-exam. Pero sadyang mapait at malupit ang panahon,
Clinical Instructor: get wan port syit op payper! (Parang Martial Law)
Bob-Piz: (pabulong) Syet!, wala na pala akong papel... ( bubuklat ng konti sa small notebook, nagbabakasakaling may naipit pa kahit wala naman talaga, pêro pasimple na rin humuhuthot ng wan port syit sa klasmeyt)
        Natapos ang exam, at jackpot na nakakuha ng 6 ober 10, epektib ang pananalangin pero parang paubos na ang bisa. Magmamartsa na kami papuntang Ospital, sunud-sunod na parang nagtetren-trenan. Dala ang aming BP apparatus, payong na kulay itim, small notebook at tatlong ballpen na may tintang pula, asul at itim.
Lumipas ang tatlong oras habang nagdu-duty, nagsimula ng magtawag pa isa-isa ang aming Clinical Instructor para tanungin ang Case ng aming pasyente at jackpot na pinapauwi ang ilan kapag hindi alam ang sagot. Sa ganitong oras mabilis na kumakabog ang puso ko, hindi mapakali o kaya matatae at kapansin-pansing nauubos din ang mga klasmeyt ko sa di maipaliwanag na kadahilanan na parang Inês-preyan ng insecticide. Meron din napabalitang estudyanteng tumutungtong sa foot stool at nagtatago sa kurtina para lang hindi makita at magmistulang lumulutang. Sino kaya ito?, iyan ang ilan sa aming nakakatawang kwentuhan habang kumakain ng tanghalian na mabilis pa sa 10 minuto.
Matapos ang walong oras na tagu-taguan babalik na ulit kami sa barracks para sa sabunan ng mga kalokohan. Siyempre hindi mawawala ang aming Dear Diary, na naglalaman ng mga di malilimutang kahihiyan “este” kaalaman at karanasan.
Bago lumubog ang araw at matapos maghilik ng ilang segundo, muli ay babalik ako ng Ospital gaya ng iba kong kakosa para makakuha ng panibagong pasyenteng katotoxican. Sa kabila ng pagngiti namin sa harap ng pasyente ay ang sangkatutak na trabaho na sila rin ang dahilan. Matapos ko sila makatsikahan ng ilang minuto ay babalik na ako ng kaleyg papuntang library para kumuha ng mababasa, “ang journal reading” na aking ipapasa kinabukasan. Laman nito ang kapiranggot kong komento at kinopyang mga pangungusap sa journal reading para mapahaba.
Alas-sais ng hapon, kakain na ulit kami… huh, anung ulam? Isda na di ko alam ang pangalan na binansagan na lang naming shark. Di naman na ako nangangarap na makakain pa ng iba dahil isda talaga ang sinumpang ulam pag gabi. Sa mga ganitong oras din ako nakakatanggap ng akusasyon na nakasulat sa isang JC memo, hindi ko daw pinatay ang ceiling fan kaninang umaga! Hayop ang bílis ng processing ng kaso ko, kaya hindi ka na talaga makakaangal at di ka na rin matutunawan hanggang abutan ka na lang ang sarili ko sa tsapel serbis na lumuluhod at humihingi ng kapatawaran habang iniisip kung sino ang mga tão sa dining hall kaninang umaga at posibleng nang JC sa’kin, reresbak ako?
Matapos ang 30 minuto na tsapel, ay required kaming dumiretso sa library para magbasa kahit hindi ko na maintindihan, para itong midnight snack pêro lahat ng pagkain ay makunat nguyain. Mahilu-hilo ako kakadaldal sa loob ng library pêro saktong alas-9 ng gabi bukas na ulit ang rehas kaya malaya na kaming makakapili na umattend sa komite na aming kinabibilangan, sa panahong iyon hindi ko talagang masabe at mabigyang kahulugan ang salitang malaya.
Huminto na ang mga langgam sa pagtatago ng pagkain, busog na ang mga lamok kakakagat sa amin at naka- quota na ang daga sa tira-tirang pagkain pêro magsisimula pa lang kaming gumawa ng requirment ng mga bandang alas-diyes ng gabi. Nursing care plan, Plan of activity lahat na lang ng plan, gagawin namin para sa kinabukasan. Pagkatapos nito ang maliligo na ako at mamamalantsa ng aking unipormeng isusuot kinabukasan. Sa wakas tulugan na at ise-set muli ang alarm ng orasan para gumising at simulan ang isa sa mga paulit-ulit naming pangkaraniwang buhay.
Isa ito sa piraso ng buhay ko nung kaleyg ako sa pusod ng tondo at sa kabila ng paulit-ulit na pananaw marami pa rin naging kakaibang karanasan. At ang mga karanasang iyon ang nagbigay ng direksyon sa buhay ko na maaaring parehas ng pananaw ng iba. Kaya malaki ang pasasalamat ko, na minsan ay nakulong ako sa isang rehas na hindi man lang naiguhit na aking isip kahit minsan

Chapter XV: Souvenir

        Sa halos anim na taon ko sa pusod ng Tondo, naging parte na ng buhay ko ang pagiging saksi sa mga di matatawarang drama sa paghahatid ng mga patay sa kanilang huling hantungan.
Linggu-linggo na lang, hindi ko lang alam kung sumpa na sa tuwing papasok ako ng PM shift laging may patay na pinaparada along Sangandaan-Divisoria, na nagmimistulang box office sa dami ng taong nakikiramay at ang mabangis doon ay di lang isang patay ang makikita mong pinaparada kaya nagdudulot ito ng pag-init ng ulo ng mga di makaunawang driver at pasahero.
Sa sobrang kainipan sa paghihintay, minsan nagiging libangan ko na ang pagbilang sa dami ng karong makakasalubong ko, ang pag tingin sa iba’t-ibang disenyo ng ataol na kala mong nasa department store na nagbigay sa’kin ng ideya kung anung kulay ang gagamitin ko at ang pagtingin sa emosyon ng mga taong kasunod ng puti o itim na kotse na kanilang itinutulak kahit na may gasolina’t gulong naman na nagbubuga ng itim o maputing kaluluwa ng sasakyan na bumubusog din sa kanilang humihikbing baga.
Isa, dalawa tatlo... Labing dalawa! Ya’n ang pinakamadaming patay na nakasalubong na hanggang ngayon ay di pa nabe-break at ang nagpapapanting pa dito ay di sila magkakasunod sa isang linya kundi magkasalubong pa na parang nag-usap, na umiipit naman sa gitna sa nagngangalit na driver at pasahero. Kung di lang siguro patay ang may kasalanan ng trapik malamang sinagasaan na ng driver ang lahat ng tao sa kalsada dahil sa mga murang maririnig mo sa kanila kasabay ang init ng araw at sasakyan.
Kung titingnan mo ang mukha ng mga nagsisipag libing hindi mo naman talaga lahat masasabing lahat ay may kakilala sa patay. Tingin ko nga parang reunion na rin ito ng mga nagjajaming na mga lolo’t lola dahil hindi sila maubusan ng jackass nilang kwentuhan. Natural na makikita sa puwitan ng sasakyan ang mga kamag-anak na may mangilan-ngilan na umiiyak ay iba kasi ay naka-shades, marahil para cute pa rin sa picture o video, sila rin kadalasan ang tumutulak at sumisinghot ng usok sa tambutso ng sasakyan. Kasunod naman nila sa likuran at iba’t-ibang emosyon ng mga taong nakikiramay sa kainan “ay ekskwusmi po!”, sa patay! Madalas ay makikita mo silang nagdadaldalan na may mangilan-ngilan na may tangan na payong, at swerte rin kung magkaroon ka ng T-shirt na give away na may nakatatak na “Justice for Juan”, na nagbibigay sa’kin ng panibagong ideya.
“Sana pag namatay ako, huwag muna ngayon... ang give away ko ay keychain na ataol na nabubuksan na parang pendant. Pagbinuksan mo ‘yun andun ang nakaukit kong mukha o kaya picture na lang pag tinipid sa budget. Nakaukit din sana ang pangalan ko sa puwitan ng ataol na nakalagay ang “Bob-Piz Souvenir, since 1985” yeahhhh! Ang ganda n’un pero ayoko munang ipagawa ngayon.
Mabalik tayo sa mga nakikilibing, hindi rin matatawaran ang mga suot nilang damit lalo na ang mga kabataan kung wala naman give away na t-shirt. May kanya-kanyang porma merong emo, pakista o hiphop depende kung sino ang namatay, kung hiphop ba siya o ano. Kaya minsan nagiging clue na rin kung bakit o paano ang paraan ng kanyang pag kadedbol. Yung ibang wala naman pakiaalam sa damit, ordinaryo mo na silang makikitang naka-blue corner na puti at black na pang-ibaba.
Bakit ko bang nasabing hindi lahat ay nakikiramay? Kasi ‘yung iba masaya pa at bungisngis ng bungisngis habang lumalakad na akala mong sinapian ng masamang espiritu. Minsan masarap isipin na urungan na lang sana siya ng sasakyan at maisama na lang lang sa nitso dahil nakakasira siya sa imahe ng mga nagpapanggap pang nakikiramay. Yung ibang kabataan sinasamtala din ang pagkakataon na manligaw dahil makikita mo silang nagkikilitian o with matching holding hands na parang ikakasal sa simbahan.
Sabi nila kamalasan daw kung makakasalubong ka ng patay na hinahatid sa huling hantungan kaya maraming gimik ang mga matatanda kahit na ang mga taga-maynila, para daw kontrahin ang kamalasan naghahagis daw ng barya o piso depende sa trip mo. pero nanghihinayang naman, kasi pamasahe din ‘yun at baka makatama pa ako ng tao o salamin, tiyak titingin sila sa’kin kung magkaganun. Kaya patay kaluluwa na lang ako at libangang binibilang sila kung sakaling mabe-break pa ang latest record ko. At kung iisipin ko, sa dami ng patay na makakasalubong ko malamang mauubos ang barya sa wallet ko kakabato sa mga patay na makakasalubong ko, kung labing dalawa ang pinaka maraming nakasalubong ko, dose pesos ang tinaas ng pamasahe ko na sana nag-LRT na lang ako, lintik na lang kung makakita pa ako ng patay na nilalakad sa gilid ng riles, baka pagbabarilin ko na lang sila.
Minsan dumadaan sa isip ko kung sakaling makasalubong ako ng patay na namatay sa ospital na pinagta’trabahuhan ko, hindi ko alam kung magiging proud ako, (Imagine)
Bob-Piz: Sa shift ko namatay ‘yan!  (panget, baka mapatay ako)
Awa nang diyos wala pa rin naman ako nakikita, kaya di ko pa nasasabi ang ganon, siguro mayayaman ang namamatay sa ospital naming kaya di mo sila makikita kung saan-saan.
Speaking of mayayaman, ibang klase ang libing dito sa tondo kasi ‘yung iba provided ang jeep ng mga makikipaglibing para hindi sila mainitan sa paglalakad. Meron pa ngang number na funeraria 1 to 10 na parang magfi-field trip lang, unlike sa probinsiya talagang pilitensiya ang paghahatid. Hindi rin naman matawaran ang mga music na ginagamit na pinatutugtog ng mismong sasakyan pangkaraniwan mo nang maririnig ang mga kantang patungkol sa hindi lilimutin, mamahalin, kung maibabalik, ibinalik, sasauli, hihiramin basta lahat hiniram with matching Combo pa minsan kung sikat ang namatay o kaya dati siyang member ng band. Marami pa rin akong naririnig na iba pang sound trip pero hindi talaga ako palatanda ng title at nahihiya rin akong tanungin sila, (Imagine)
Bob-Piz: Miss, anung title ng kanta na ‘yan, baka ‘yan na rin kasi gamitin ko e, ganda kasi.
        Sa huli, ang ending ay sa Sangandaan Cemetery ‘yun lang kasi ang natatandaan kong sementeryo. Pero wala na akong alam kung ano pang gimik ang ginagawa nila ‘dun at wala na akong balak pa silang sundan.
Gawaing Pagsusulit:
1.    Ano naman ang souvenir mo? nagpagawa ka na ba? Saan?
2.  Nagtulak ka din ba sa likod ng karo na sasakyan? Kung oo, sira ulo kaba?
3.  Anong music ang gagamitin mo sa araw na ‘yung libing? Member ka ba ng band? Swerte package na ang Combo!