Sa totoo lang mahirap matagpuan ang aking sariling magsulat ng Bob-piz, kailangan masaya ako yung tipong naka-sardonik ismayl, nakaupo, walang masayado iniisip (Hindi ko naman ‘to masyadong problema kasi wala akong utak), walang magulong bata na naglalaro sa labas ng teris namin, patay ang internet koneksyon para hindi makapag-facebook (minsan niloloko ko ang sarili ko na sandali lang pramis, cross may hart!), kaharap ang laptop ko at malayo ng 3 dipa ang cellphone ko.
<!-- Google tag (gtag.js) -->
<script async src="https://www.googletagmanager.com/gtag/js?id=G-K04FVMEQ31"></script>
<script>
window.dataLayer = window.dataLayer || [];
function gtag(){dataLayer.push(arguments);}
gtag('js', new Date());
gtag('config', 'G-K04FVMEQ31');
</script>
Ang kwento ko ngayon ay halaw sa sariling karanasan, kaya patnubay ng magulang kailangan.
Simula nang nagkolehiyo ako naging saksi na nang malaking makulay na uod sa ibabaw ng Taft Avenue ang paulit-ulit kong nakakaumay na biyahe papuntang Maynila. S’yempre ang pinaka da-best na kwento sa pag sakay ng LRT ay tinatawag na “First time” na may halong kaba at kaengotan. Di ko matandaan na, kung ano kumpletong kwento na ‘yon, pero maraming nakakatawang pangyayari sa tuwing naaalala ko ang katarataduhan ko sa pag sakay ng LRT.
First time ko n’un, noong una ako nagkamali ng sa pag insert ng magnetic card, tinitingnan ko pa nga ang nasa unahan ko kung paano ipapasok ang putik na card na’yon na may nakakatatak pang naka-smile na mukha ni Gloria, na parang nang-iinis. Kabado pa ko n’un, pakiramdam ko kakainin ako ng machine, pero nagkamali ako dahil niluwa nito ang card ko sa unang pagkakataon, “Syet ang dami pa naman tao sa likod”, kaya pinasok ko ulit ang Putaena magnetic card na ‘yun at sa di inaasahang pagkakataon niluwa ulit ng machine ang card ko na halos gusto ko nang kainin na lang. Buti na lang may nag salitang babae sa likod ko, “May arrow yan!” kaya tinanggap na sa wakas ng machine sa ikatlong pagkakataon ang kaengotan ko. Kaya sa tuwing nakakakita ako ng taong nagkakamali natatawa na lang din ako nung ako ang nakatayo noon, at sinasabi ko na lang na, “Sa arrow po itatapat”, Yehaah!
Hindi syempre mawawala sa kwento ang dyaryong pang masa, ang “LIBRE” na pinag-aagawan pa ng mga pasahero. Ito ang dyaryong umaaliw sa mga sakay ng LRT at naglalaman ng mga Good news at nag-iinit na Balita na sponsored ng Inquirer. Ang pinaka-paborito kong part ay ang “HOROSCOPE” na tumatalakay sa di makakatotohanang kapalaran sa lovelife, Pera at Career ng mga pasahero. Hindi rin mawawala ang mga mandurupang na tulad ko na kumukuha ng higit sa isang dyaryo sabay tago sa bag at pinamimigay sa mga hindi sumasakay sa LRT na mga kaklase.
“Paparating na po ang tren, iwasan po nating tumapak sa pulang linya”, sabay pito ng gwardya sibil. Nagtataka ako dahil sa tuwing naririning ko iyon ay para humihigpit at nagkakadikit-dikit ang mga tao na parang kulangot. At kung papatayin ang mga nakatapak sa pulang linya, malamang lahat kami patay na! kaya suggestion ko sa LRT management, ay lagyan nang kuryente ang pulang linya na sinasabi nila, para mas maging makatotohanan ang pag iwas ng mga pasahero. Paano kaya kung may kuryente na ang pulang linya? Ano kaya na ang bagong sasabihin ng LRT Umalohokan (Announcer)?
LRT staff: paparating na po ang tren iwasan po nating tumapak sa pulang linya…
Pasahero: Uy! Yung babae, bulagta, Nakuryente!
Hindi naman mahirap sumakay ng LRT, ang kailangan lang ay diskarte, simpleng tulak at alistong pagkilos. Kailangan mo ding malaman kung saan hihinto at sasakto ang pinto, para swak ang pagtulak sa’yo ng mga pasahero papasok ng LRT. Take note!, you don’t need to walk, just go with the push and flow, makitulak ka na rin para mas masaya!
Hindi pa uso dati ang magkahiwalay ang babae sa lalaki saloob ng tren, mga bandang second year college na ko nang naisipan nilang bawal pala ang tyansingan. Pero matagal nang merong lane para sa mga disabled, pregnant and Senior citizen na matatagpuan sa dulong bahagi ng tren na nahahati sa pamamagitan ng Lubid ng baboy. Maluwag ang part na ‘yon, pero bihira akong makakita ng disabled, pregnant and senior citizen kaya madalas laman din noon ay ang pangkaraniwang tao tulad ko.
“Panatilihin po nating humawak sa mga safety handrails at iwasan sa sumandal sa pinto ng train… iwasan din po nating humawak sa emergency button na matatagpuan sa magkabilang pintuan ng train”, ito ang tila paulit-ulit kong naririnig sa tuwing sumasakay ako ng train, wala siyang pinagkaiba sa lupang hinirang, dahil halos makabisado na ito ng lahat ng suking pasahero. “Paparating na po ang train sa Perdo Gil Station, paki-double check po ang inyong mga dala-dalang gamit at ang inyong magnetic card na gagamitin sa pag labas ng istayon”, sabay kapa ng magnetic card sa bulsa at tingin sa kapwa pasahero na parang holdaper.
Kung tapos mo na o pangit ang nakasulat sa dyaryong libre maaaring gawin ang mga sumusunod:
1. Kapag kaunti ang tao, lumakad sa loob ng tren na walang hawak habang umaadar, (nagawa ko yan!)
2. Tapusin ang trip ng nakatayo at hindi humahawak sa handrails. (Nagawa ko rin yan!, pinakamahirap yung along Abad Santos to Blumentrit na talagang tumatagilid ang tren)
3. Hawakan ang labi ng emergency button, pag wala na talagan handrails na makapitan. (Nakaka-kaba, pero fulfilling kapag nagawa mo)
4. Kumain ng French fries at uminom ng softdrinks. (madali lang ito, hindi naman kasi sila mahigpit mag-check kung may dalang food, sabihin mo lang hindi mo iyon kakainin)
5. Matulog at magising sa saktong istasyon. (Try again kapag lumampas ka, sakin kasi may gumising sa monumento, epal!)
6. Kabisaduhin ng sunud-sunod ang LRT stations. (Sisiw ito sa karamihan, pati yata landmark ng bawat station alam na)
7. Tumakbo at habulin ang nagsasara at nakabibinging pinto ng tren, sabay sigaw ng, “Yes!”
8. Basahin at kabisaduhin ang mga tulang kastilang nakadikit sa itaas na bahagi ng tren. (With action)
9. Kabisaduhin ang mga paalala na sinasabi ng driver ng tren. (Sabay dapat kayo!)
10.Tumawid ng riles ng tren, yan di ko pa yan nagagawa, ipapaubaya ko na lang sa inyo ‘yan. (The best ka kapag nagawa mo ‘to, lahat ng tao titingin sa’yo na parang artistahin ang dating!)
Paglabas ng tren, “Bigyan po natin ng daan ang mga lalabas na pasahero”, pero kahit naririnig ko ito wala pa rin akong makitang daan, kaya siko ko na lang ang gagamitin ko sa paggawa ng daan. Sa wakas nakababa na!
Papalapit na ako sa machine, walang kaba o pressure, yeah 4th year na ko n’un ee!, nakapila sa harap ng babae na may hawak na pulang magnetic card, pinasok nya iyon sa machine… pero hindi pa rin sya umaalis sa harapan… hindi ko alam kung ano ang hinihintay n’ya… sabat sabing, “Ay oo nga pala!” ( kung hindi ma-gets ang part na ‘to sumakay ng paulit-ulit sa LRT o kaya ay gumawa ng thesis ukol sa Single Journey “Red” and Multiple Journey “Green” na mga magnetic card)
Nahigop na ang aking pulang card, nalagpasan ko ang machine ng slow motion, sabay yuko at dampot ng panibagong dyaryong LIBRE… ang sugapa bow!