Siguro kaparehas ng pananaw ng iba ang dating pananaw ko sa lugar ng Tondo, Manila. Kapag sinabing Tondo, madaling papasok sa isip ng tao ang katagang “nakakatakot” dahil sa mga anunsyong patayan, nakawan at holdapan. Ngunit sa loob ng pitong taon pananatili sa nasabing lugar, binago ng mga taong nakapaligid sa akin dito ang pananaw ko sa tungkol sa kahulugan ng “pakikisama at respeto”.
Ang Tondo ayon kay kuya kim, ay hango sa pangalang “Tundun” na hindi ko alam kung saan galing, bago pa dumating ang mga kastila. Ito ay may kabuuang sukat na 9.1 kilometro parisukat gamit ang ruler at isa sa mga pinakamadaming populasyon sa buong mundo, sa distrito ng Maynila na may populasyon na humigit-kumulang 630,000 plus 1 kasama pa ko. Matatagpuan din dito ang tanyag at dinarayong Divisoria na tinatakasan ng maraming estudyante dyan sa kumbento ng Morga, Tondo.
The best ang mga tao dito!, mababait at very hospitable lalo sa mga alien na katulad ko. Kagaya ng mga convenience store may mga tao sa lansangan 24 oras na may kanya-kanyang gimik, hindi gaya ng lugar namin sa Bulakan na alas-8 pa lang ng gabi kuliglig at palaka ng lang ang kausap mo. Nagtataka ang marami kung bakit nagsusumiksik ang mga pinoy sa Tondo, hindi lang iyon dahil sa trabaho kung hindi dahil sa kasiyahan na pwede nilang maranasan dito. Kung ikukumpara mo naman sila sa mga sa mga sibilisadong lugar tulad ng Makati, tila mas maaatim ko pang kumausap ng taga-tondo kaysa sa mga taong hindi kayang abutin ang simpleng kasiyahan ng buhay.
Respeto, isa yan sa mga matamis na sangkap ng lugar ng Tondo. Hindi ka naman nila babarilin kung hindi ka mayabang at mata-pobre, hindi ka naman nila nanakawan kung mukha kang pulubi kaya swerte ako, hindi ka naman nila bubugbugin kung hindi ka sisiga-siga. Equality lang ang isa sa karaniwan nilang sentimyento kaya maraming Robinhood dito.
“siya nga pala... sa mga Robinhood ng Tondo kung saan man kayo naka toka ngayon... Fulltank kayo! Rambo kayo! Galingan nyo!
Sto. Nino Fiesta!, ang pinakamasayang pinagdiriwang sa Tondo sa kabila ng kakapusan at kahirapan. Lahat halos ng bahay na napuntahan ko ay may handa at di matapos-tapos ang mga mosiko sa kalsada kahit abril na. Sabi nang iba kong nakausap, higit nilang pinaghahandaan ang fiesta kaysa sa pasko na hindi ko ma-gets kung bakit noong una hanggang ngayon. Marahil sa panahon na yon nabuhay ang kristianismo sa kanilang lugar na patuloy nilang ipinagpapasalamat.
“teka binabati ko nga pala ang mga taong nagpakain sakin d’yan noong Fiesta!, kung nasaan man kayo... Fulltank ka! Rambo ka! Salamat ng marami.
Hindi man kasing ganda ng lugar na higit kong pinapangarap ang Tondo, dito ko naman nakita kahalagan ng simpleng buhay. Marami mga taong magagaling at gustong umasenso, at kung mabibigyan lang sila ng pagkakataon magamit iyon, tingin, ko ay higit pa nilang maiguguhit ang kanilang di pangkaraniwang pangarap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento