Malaki na ang pinagbago ng buhay ko simula ng mabigyan ako ng parola at matamasa ang kalayaan at ginhawa ng buhay matapos ang tatlong taong pagkukumbento sa isang eksklusibong eskwelahan. Sabi nila kapag nakatapos ka na daw sa kursong pagpapari “este ulit”, pagnanarsing d’yan sa Morga, Tondo, malaya mo nang maggagawa ang lahat ng trip mo sa buhay; ang mag-asawa, mangibang bansa, maging aswang, tikbalang at kung anu-ano pa. Mananatili din ang ilang kultura ngunit mangingibabaw pa rin ang maraming pagbabago pagkalipas ng ilang taon dulot na rin ng di pagkain ng itlog na may sabaw. Naalala ko tuloy ang opinyon na isa kong katrabaho noong baguhan pa ako sa Ospital;
Nurse: D’yan naman sa koleyg n’yo kapag nakatapos na ang estudyante lahat nagbabago at parang nakawala sa koral.
Kahit na engot ako mabilis ko naman na gets ang joke ng katrabaho ko, sa panahong iyon gusto ko siyang paluin ng chart para pasinungalingang ang kanyang mga akusasyon. Doon nagsimula na naramdaman ko ang dugong kumbento na ipagkakapatayan ko kung sakaling may maaapi na parang member ng Bioman. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong hinalo nila sa itlog na may sabaw, pero para siyang multay-baytamins sa tuwing maaalala ko, na nagpapalakas sa’kin.
Lumipas ang maraming araw at buwan, unti-unti ay parang kinain ko ang sarili kong salita dahil hindi rin ako nakaiwas sa pagbabago, dala na rin siguro iyon ng init ng panahon, balakubak at bungang araw sa likod. Hindi rin nakaligtas ang ilan sa mga dati kong kakosa na kasabay kong nabigyan ng parola, lahat din sila ay nag iba pero pare-parehas pa rin kaming may kamay at paa.
Sana na gets nyo sa pahinang ito ang ibig kong sabihin, Oo Malaya na ang isang presong katulad ko, pero hindi ibig sabihin na sa kabila ng pagbabago ay mawawala rin ang epekto ng itlog na may sabaw. Oo Malaya na rin ang ibang preso, pero hindi rin sila magiging malaya sa magagandang alaala na iniwan sa kanila ng kumbento at mananatili iyon hangga’t may naaalala pa sila. Kaya proud ako dahil naging destinasyon ko ang lugar na ito, at alam kong parehas din ang ilan sa mga bumabasa nito. Maaaring minsan nagkakamali ako sa mga desisyon, pero iyon ay indibidwal kong pagpili.
By the way bago pa mapunta sa ibang usapan, binabati ko nga pala ang mga dating graduates ng iskul kung nasaan man kayo sa iba’t-ibang panig ng mundo... Fulltank ka!, Rambo ka!
Sa mga nakalaya, lalaya, nakakulong at magpapakulong, maswerte kayong maituturing dahil ilan lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na makapasok at makakain ng itlog na may sabaw. At iyon ay hindi lamang isang aksidente kundi isang malaking aksidenteng magbabago sa pagkilala sa propesyon at destinasyon ng buhay.
Gawaing pagsasanay:
1. Ipaliwanag kahit di maipaliwanag ang lasa ng itlog na may sabaw, isulat ito sa isang ½ index card. (ipapasa bukas)
2. May nagbago ba sa’yo? Saan banda?
3. Proud ka ba?, syet... proud din ako!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento