Sabi nila sa mga boto daw ng bawat Pilipino nakasalalay ang kinabukasan ng bayan, ang sabi ko naman “okey”. Kaya sa kabila ng pagiging mongoloid ko tinanggap ang responsibilidad ng pagiging isang mabuting mamamayan kahit na hindi ako sigurado sa gagawin ko.
Wel, malupit daw ang botohan ngayon kasi gagamit daw adbans na teknolohiya para mabilis mabilang ang mga boto, pabor sa mga nagmamadaling manalong mga kandidato. Ang tawag daw doon ay ”Precinct Count Optical Scan Machine” o PCOS masyin in syort, na madalas na naririnig sa mga telebisyon lalo na sa Channel 2 at 7. Iyon ay kulay itim na akala mo’y poto kapi masyin na may nakalagay na Smartmatic sa gilid, na kumakain ng matigas na papel at tangang botante. Sa matigas na papel nakasulat ang mga listahan ng mga kurap, “este” kandidato katabi ang bilog na hugis itlog na madalas kantahin ng seksbam sa patalastas.
Makasaysayan ang botohan dahil pers taym itong gagawin sa bansa pero hindi pa rin mawawala ang mga hindi maka-move on sa manu-manong bilangan at natatakot na botante. Kaya bago ako mag mukhang engot sa nalalapit na botohan, gabi bago ang botohan ay isinulat ko na sa isang maliit sa papel ang mga tinayaan kong mga kandidato para makahingi ako ng balato. Teka binabati ko nga pala sa pahinang ito ang mga iboboto ko, kung nasaan man kayo, Fulltank kayo!, Rambo kayo! Makarma sana ang mga magnanakaw sa inyo at kainin sana kayo ng PCOS machine!
Araw ng botohan, umaga pa lang ay nagkalat ang mga tao sa labas ng eskwelahan, ang dami eksayted sa launching ng PCOS masyin na parang pelikula, habang ako naman ay nakasakay sa tinulugang jip papauwi galing sa Jamming ng trabaho. Sinadya kong hindi pumunta at bumoto ng maaga dahil sa dami ng tao gaya ng sinabi sa mga telebisyon.
Binabati ko nga pala ang midya na nagbabantay ng botohan, nagustuhan ko ‘yung Hologram style sa paghahatid ng inyong balita, Syet, Ang lupet!
Saktong alas-2 ng hapon ay nagpunta na rin ako sa eskwelahan na may halong kaba na parang magbo-board Exam. Nagdala ako ng Ballpen kasi hindi ko alam kung ano ipangsha-shade sa bilog na hugis itlog, bimpo at tubig na panawid pagod sa paghihintay sa nalalapit na exam. Sa kabutihang palad wala pang masyadong tao nang dumating ako dahil may kainitan ang panahon, mga sampu lang kami nakapila na parang naghihintay sa poso ng tubig, at wala pang 30 minuto ay hinanap na ang aking pangalan na may pagdududa, joke ‘yun! Kinakabahan ako sa di maipaliwanag na dahilan, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko, paano kaya kung sa time ko pa nasira ang PCOS masyin ano kaya ang sasabihin ng mga tao?
Mga tao: BOooohhhhh!
Bob-Piz: Mga hayop kayo! (naka-Fuck you)
Sa kabutihang palad ng tinanggap ko na ang balota, at kinanta ang theme song na “may bilog na hugis itlog”. Binilugan ko ang mga kandidato ko, tapos biglang pumasok sa isip ko, Paano kung dalawang president ang na-shade ko?
Bob-Piz: Syeeet!, ang tanga ko! *%&%@... (laki mata), Ma’am pwede po ba ko makahingi ng isa pa, dalawa na shade ko e!
Mga tão: BOooohhhh!
Sa kabila ng mga katarantaduhang pinag-iisip ko, tumayo na ako at lumapit sa PCOS machine na may halong kaba para ipakain ang balota ko matapos i-shade ang mga bilog na hugis itlog.
PCOS Masyin: Congratulation!
Bob-Piz: Yis! (smile)
Saksespul ang pagboto ko, kaya lumapit na ako sa naglalagay ng indelibol ink! Wel, I’m proud hindi dahil nakaboto ako kundi dahil hindi ako nagmukhang bobing sa pagboto. Lintik na pag boto ‘yan may pressure.
Gawaing Pagsasanay:
1. Ano oras ka bumoto? Eksayted ka ba?
2. Nagisip-isip ka din ba ng kung anu-ano na parang sira ulong kagaya ko? Yabang!
3. Manu-mano o PCOS? Makipag-away sa kapitbahay ukol dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento