Powered By Blogger

Chapter XVI: Piraso

          Saktong alas-4 i-medya ng umaga, kahit pupungas-pungas pa ang malaki kong mata sa puyat ay pinipilit kong ibangon ang katawan upang simulan ang paulit-ulit kong buhay sa isang kumbento ng mga Nurse sa Morga, Tondo.  Mula sa pagkakahiga sa kama ay parang automatic na nararamdaman ng bawat isa na gising na ang manok ng aming selde na binansagang Big Room. Nag-uunahan ang bawat preso sa pagsabing, “Gisingin mo ko ha pagkatapos mong maligo”, at susunod ang ilan sa pagsabi ng ganitong linya. Pagkatapos kong maligo ay isusuot ko na ang sagradong uniporme na pinalantsa ko kagabi, na may nameplate na tanda ng panibagong pakikipagsapalaran sa katabi nitong Ospital.
        Bago sumabak sa duty at didiretso muna ako sa Dining Hall upang purgahin ang sarili sa mga kakaiba naming agahan. Siyempre ang Menu for the Day ay Good Food, ang “Itlog na may puting sabaw”, mayaman sa protina at kolesterol. Kahit labag man sa aking karapatang pang sikmura ay nakangiti ko itong nginunguya bilang panawid gutom sa gitna ng pagkikipag- jamming sa mga pasyente sa loob ng walong oras. Bubuksan ko ang ceiling fan sa level 2, at magsisimulang kumain. Matapos magkombantrin at uminom ng dalawang basong tubig, muli ay babalik ako sa nakagisnang dormitoryo upang magsepilyo at ihanda ang mga sangkatutak at pinagpuyatang mga requirement upang bigyan ng naglalalimang marka.
        Bago ako pumunta sa aking grupo kinabibilangan ay didiretso ako ng tsapel upang personal na manalangin at humingi ng sangkatutak na guidance para di makagawa ng katarantaduhan. Ilang sandali ay makikisalamuha na ako sa mga puyat ko din klasmeyt at maghihintay sa ilang minuto para sa mga hindi pa dumadating.
        Saktong 5:30 ng umaga, hudyat na ng bodyakan! Lahat ay kumpleto na pati ang Clinical Instructor para manalangin at mag-devotion, meron pang patalastas na sharing para magtagal at di magpa-exam. Pero sadyang mapait at malupit ang panahon,
Clinical Instructor: get wan port syit op payper! (Parang Martial Law)
Bob-Piz: (pabulong) Syet!, wala na pala akong papel... ( bubuklat ng konti sa small notebook, nagbabakasakaling may naipit pa kahit wala naman talaga, pêro pasimple na rin humuhuthot ng wan port syit sa klasmeyt)
        Natapos ang exam, at jackpot na nakakuha ng 6 ober 10, epektib ang pananalangin pero parang paubos na ang bisa. Magmamartsa na kami papuntang Ospital, sunud-sunod na parang nagtetren-trenan. Dala ang aming BP apparatus, payong na kulay itim, small notebook at tatlong ballpen na may tintang pula, asul at itim.
Lumipas ang tatlong oras habang nagdu-duty, nagsimula ng magtawag pa isa-isa ang aming Clinical Instructor para tanungin ang Case ng aming pasyente at jackpot na pinapauwi ang ilan kapag hindi alam ang sagot. Sa ganitong oras mabilis na kumakabog ang puso ko, hindi mapakali o kaya matatae at kapansin-pansing nauubos din ang mga klasmeyt ko sa di maipaliwanag na kadahilanan na parang Inês-preyan ng insecticide. Meron din napabalitang estudyanteng tumutungtong sa foot stool at nagtatago sa kurtina para lang hindi makita at magmistulang lumulutang. Sino kaya ito?, iyan ang ilan sa aming nakakatawang kwentuhan habang kumakain ng tanghalian na mabilis pa sa 10 minuto.
Matapos ang walong oras na tagu-taguan babalik na ulit kami sa barracks para sa sabunan ng mga kalokohan. Siyempre hindi mawawala ang aming Dear Diary, na naglalaman ng mga di malilimutang kahihiyan “este” kaalaman at karanasan.
Bago lumubog ang araw at matapos maghilik ng ilang segundo, muli ay babalik ako ng Ospital gaya ng iba kong kakosa para makakuha ng panibagong pasyenteng katotoxican. Sa kabila ng pagngiti namin sa harap ng pasyente ay ang sangkatutak na trabaho na sila rin ang dahilan. Matapos ko sila makatsikahan ng ilang minuto ay babalik na ako ng kaleyg papuntang library para kumuha ng mababasa, “ang journal reading” na aking ipapasa kinabukasan. Laman nito ang kapiranggot kong komento at kinopyang mga pangungusap sa journal reading para mapahaba.
Alas-sais ng hapon, kakain na ulit kami… huh, anung ulam? Isda na di ko alam ang pangalan na binansagan na lang naming shark. Di naman na ako nangangarap na makakain pa ng iba dahil isda talaga ang sinumpang ulam pag gabi. Sa mga ganitong oras din ako nakakatanggap ng akusasyon na nakasulat sa isang JC memo, hindi ko daw pinatay ang ceiling fan kaninang umaga! Hayop ang bílis ng processing ng kaso ko, kaya hindi ka na talaga makakaangal at di ka na rin matutunawan hanggang abutan ka na lang ang sarili ko sa tsapel serbis na lumuluhod at humihingi ng kapatawaran habang iniisip kung sino ang mga tão sa dining hall kaninang umaga at posibleng nang JC sa’kin, reresbak ako?
Matapos ang 30 minuto na tsapel, ay required kaming dumiretso sa library para magbasa kahit hindi ko na maintindihan, para itong midnight snack pêro lahat ng pagkain ay makunat nguyain. Mahilu-hilo ako kakadaldal sa loob ng library pêro saktong alas-9 ng gabi bukas na ulit ang rehas kaya malaya na kaming makakapili na umattend sa komite na aming kinabibilangan, sa panahong iyon hindi ko talagang masabe at mabigyang kahulugan ang salitang malaya.
Huminto na ang mga langgam sa pagtatago ng pagkain, busog na ang mga lamok kakakagat sa amin at naka- quota na ang daga sa tira-tirang pagkain pêro magsisimula pa lang kaming gumawa ng requirment ng mga bandang alas-diyes ng gabi. Nursing care plan, Plan of activity lahat na lang ng plan, gagawin namin para sa kinabukasan. Pagkatapos nito ang maliligo na ako at mamamalantsa ng aking unipormeng isusuot kinabukasan. Sa wakas tulugan na at ise-set muli ang alarm ng orasan para gumising at simulan ang isa sa mga paulit-ulit naming pangkaraniwang buhay.
Isa ito sa piraso ng buhay ko nung kaleyg ako sa pusod ng tondo at sa kabila ng paulit-ulit na pananaw marami pa rin naging kakaibang karanasan. At ang mga karanasang iyon ang nagbigay ng direksyon sa buhay ko na maaaring parehas ng pananaw ng iba. Kaya malaki ang pasasalamat ko, na minsan ay nakulong ako sa isang rehas na hindi man lang naiguhit na aking isip kahit minsan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento