Dumadating ang panahon na minsan ay kailangan natin lokohin ang sarili sa katotohanang hindi sa atin ang isang pagkakataon. Kahit labag sa ating nararamdaman ay kailangan tanggapin ang isang opurtunidad o pangyayari dahil iyon na lang ang natatanging paraan upang higit sumaya ang iba, kaya ang resulta ay kabiguan ng personal na kasiyahan. Ang drama ko no? Well, trip ko lang i-type ‘yan dahil sa isusulat ko ngayon.
Nakakataba ng puso sa tuwing naiisip ko na marami na ang bumabasa ng mga sinulat ko, ni-minsan hindi tumawid ko sa isip ko na makakagawa ako ng mga listahan ng aking karanasan ng magiging kaaliwan ng mga taong iba ang trip sa buhay, ang pagbabasa ng mga ketonging kwentong tulad nito. Natuwa ako nung minsan ang tinanong ako ng isang estudyante d’yan sa pinanggalingan kong kumbento-eskwelahan sa kanto ng Mogra, Tondo;
Estyudent: Sir!
Bob-Piz: Ano ‘yun?
Estyudent: Ka’yo po ba si Bob-Piz?
Bob-Piz: (Smile, sabay petit mal seizure) ah e!
Hindi ko alam kung magiging proud ako, dahil baka iba ang interpretasyon n’ya sa mga sinulat ko. Malay ko kung ano ang iniisip n’ya, ‘’Siya pala ‘yong Nurse sa ospital na pabibo at maraming ginawang kalokohan, nakakatakot siyang kasama!’’.
Bob-Piz: Baket ? parang gago noh ?
Estyudent: fan n’yo po ako sa facebook e.
Bob-Piz: (Smile ulit kasunod ang Grand mal seizure) hehehe…
Sila ang mga simpleng inspirasyon ko kaya hindi ako nagsasawang magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad nito. Natutuwa ako dahil kahit na hindi sumikat ang totoo kong pangalan ang mahalaga sikat si kapatid na Bob-Piz, ang anino ng tunay at masaya kong buhay. Siya nga pala binabati ko ang mga fourth year student batch 2011, dyan sa likod ng ospital na nakakakilala sa akin kung nasaan man kayo, “Fulltank kayo, Rambo kayong lahat, salamat sa pagbabasa sana wala kayong ikukwento dyan sa kumbento!”
Hindi man ganung kalakihan ang ospital na aking pinapasukan d’yan sa Pusod ng Tondo, ngunit nanatiling sikat ito mula sa iba’t-ibang karatig lalawigan. Sa katunayan hindi lang tao ang kadalasang nagpapakunsulta dito, may mangilan-ngilan din akong nakikitang pusa na kadalasang laman ng hallway na parang namamasyal lang sa park, ganun din ang mga kuting na lumalaki na dahil hindi makapagbayad ang inahing pusa sa laki ng bill, kaya naisipang tumira na lamang sa mga kisame malapit sa dietary section dahil sa personal na kadahilanan. At kamakailan ay isang insekto naman ang namataang nakapasok ng ospital na nagdadala ng nakamamatay na sakit, na aking ikukwento sa inyo ngayon.
Maaga ako pumasok noon sa ospital ngunit nabalitaan ko na wala kaming pasyente sa loob ng ICU, kaya nauwi ako bilang isang Private Duty Nurse (PDN) sa isang pasyente. Noong una ay ayoko talagang mag-PDN, dahil mahirap mag-alaga ng isang demanding na pasyente ngunit dala na rin ng matinding pangangailangan ay pinatos ko na rin ang nasabing trabaho, na naging hudyat na katoxican ko.
Simula pa lang ng araw ko ay naging usap-usapan ng magpipinsan ang isang gagamba na nakita nila sa kisame sa loob ng ICU, habang binabantayan ang pinsan din nilang pasyente na aking pinagkakakitaan (PDN). Hindi ako ganong kainteresado noon, dahil wala pa ‘yun sa pusa at dagang nagja-jamming tuwing gabi sa hallway ng ospital, kaya patay kwentuhan na lang ako sa kanilang usapan. Mga bandang alas-8 ng umaga ay nilapitan ako ng tatay ng pasyente at nagtanong;
Tatay: nakita mo ba ‘yung gagamba d’yan daw sa kisame?
Bob-Piz: Ah...e nakita nga daw nila d’yan! (Sabay turo sa kisame)
Alam ko na gagamba ang hinahanap niya, pero sa mga panahong iyon hindi ko na inisip kung ano dahilan n’ya sa biglaang search warrant, iniisip ko na lang na may sayad si tatay kaya minabuti ko munang umupo sa station. Pero wala pang ilang saglit ay lumapit ulit sa akin si tatay at sinabing ;
Tatay : alam mo kasi nung inatake ‘yang pasyente namin sa bahay ay may nakita kami gagamba na umaaligid-aligid sa bahay, tapos sabi ng albularyo yung gagamba na ‘yun ang may dalang sumpang sakit sa anak namin.
Bob-Piz (nagpipigil tumawa) Syeeet !!... (bulong sa sarili)
Dahil sa tindi ng tama ni tatay at sa takot na mahawa ako at panandalian akong pumasok ng CR para ibuhos ang bungisngis ko sa bowl. Di ko mapigilan matawa noong araw na ‘yon pero dahil ako ang PDN nila ay kailangan ko silang pakibagayan. Kaya lumapit ako sa mga kamag-anak ng pasyente ;
Bob-Piz : Saan nyo po ba nakita ‘yung gagamba ? (panimula kong banat na parang siraulong nakangiti, at mukhang member ng ghostbuster)
Pininsan: D’yan sa kisame (Sabay turo), tapos pumasok daw dun sa loob ng kisame!
Tatay: kelangan mahanap natin ‘yun, kaya di gumagaling yung anak ko dahil sa gagamba na’yon!
![]() |
Ganito kasi nasa isip ko e... Nakakabit sa ventilator! |
Hindi ko alam ang kung niloloko nila ako, pero dahil sa mukhang pursigido silang puksain ang nasabing suspek na walang kamalay-malay na suspek pala siya, ay minabuti ko na rin sumali sa search operation. Kahit labag sa karapatang pantao ko at wala ito sa job description ko ay nakihanap na talaga ako kunwari. Tumingin din sa gilid ng kisame, upuan, kama sabay kamot sa ulo na parang nabuburaot sa ginagawa.
Bob-piz (bulong ulit sa sarili) lintik, di ko akalain na gagawin ko ‘tong katoksikan na ‘to! Pano kung niloloko lang nila ako? At sabihin nila saking;
Tatay: excuse me... joke lang ‘yon! Hahaha... sineseryoso mo e!
Baka kasahan ko sila ng baril, at “bang” na lang ang huling tunog nilang marinig. Pero sa awa ng diyos ay hindi naman nangyari ang ganun pero lumiit ng ¼ ang mata ko ng lumapit ulit sa kin ang tatay;
Tatay: ano nakita mo na?
Bob-piz: hindi pa po e! (petit mal seizure)
Tatay: Pag nakita n’yo wag n’yong papatayin, huhulihin n’yo lang yun kasi ang bilin ng albularyo… ilalagay lang natin sa isang garapon.
Bob-Piz: Ganun po ba? Sige po! (grand mal seizure ulit)
Kahit masama sa loob ko ang panibago kong trabaho ‘’Spiderbuster’’, ay minsanan ko pa ring hinanap ang busset na gagamba sa loob ng ICU at sa kabutihang palad ay hindi ko na s’ya na kita. Nabalitaan ko na lamang kinabuksan na nahuli na ang walang kamalay-malay na gagamba noong kinagabihan, nang isa kong katrabaho na may halong pagmamayabang! Hahaha… Syeeet!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento