Powered By Blogger

Chapter XI: Chapel

       Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya ang mabuhay, parang siyang isang pribilehiyo na ibinigay sa tao at ang kasiyahan iyon ay depende kung paano siya makikipaglaro sa mundo. Kaya kung lagi ka lang nakahiga o nakatambay sa isang lugar, mistulang kinulong mo na rin ang sarili mo sa mga bagay na pwede mo pang maranasan at matutunan. Kung hahayaan mo lagi ka namang api sa eksena ng buhay, hindi iyon mababago kung kung di mo susubukan baguhin ang tingin ng ibang tao sa’yo. Isa siguro iyon sa mga bagay na pinagpapasalamat ko sa Diyos, ang bigyan n’ya ko pagkakataong magkaroon nang lakas ng loob na paikutin ang gulong ng aking buhay.
        Sa totoo lang wala naman kinalaman ang isinulat ko taas sa kwento ko ngayon, trip ko lang ‘yon. Pero speaking of pribilehiyo, malupet na ibinigay sa’kin iyon ng maykapal simula ng nakipagsapalaran ako sa kumbento d’yan sa Morga, Tondo. Maniwala kayo o hindi, kailangan n’yong paniwalaan na naging makadiyos din ako sa maraming aspeto ng buhay ko.
        Hindi ko akalain na mas magiging close ako kay God n’ung nakarating ako ng koleyg, lalo na n’ung natapos ko na ang maiksing panahon ko sa unibersidad ng Pedro Gil. Kaya ng sapilitang ipapasok ako ng dormitoryo tinanggap ko na rin ang kultura ng pagtsa-chapel service.
        Actually hindi naman ako nahirapan d’yan sa protestanteng pamamahala sa dormitoryo advantage ko nga daw ‘yun kasi isa na ‘kong Metodista. Oo na lang ang sinagot ko, kaya tatlong taon kong kinanta ang mga Top hitlist ng hymnal kaya kahit nakakaumay, nginunguya ko pa rin ang pagkanta. Siyempre di mawawala ang mga pamatay na “How Great Thou Art, Great is Thy Faithfulness, This is My Father’s World at For the Beauty of the Earth” na naglalaban sa Top 1 list ng My Mix. Sunod ang mga nag-iinit na “Holy, holy, holy” na bagay na bagay sa palayaw kong Hellboy. Hindi rin mawawala ang mga patok na music list sa araw ng mga Major Examination, kapag hindi masyadong nakapag-review ang “I Surrender All, I Need Thee Every Hour, Sweet hour of Prayer and More Love to Thee” na susundan ng closing Hymn with matching luhod na “He Leadeth me at All the Way my Savior Leads me and O Jesus I Have Promised” na pampalubag loob.
        Pagkatapos ng exam hindi pa rin nauubos ang mga deboto at manloloko na lumuluhod sa harapan dahil walang assurance na papasa, kung may poon doon ay malamang pudpod na ang paa sa kakapunas ng panyo at bimpo. Kaya tuloy pa rin na namamayagpag sa Music Request ang  “Blessed Assurance, Amazing Grace, Surely Goodness and Mercy and What a Friend We Have in Jesus” na parang coping mechanism na lang. Pero pag-nakapasa na at nakahinga na nang maluwag bilang tutugtog ang kantang “Joy to the World Joyful (Pasko?), Joyful We Adore Thee, Onward Christian soldier and We’ve A Story to Tell to the Nation” sa saliw ng piano na babanatan pa ng malakas na Gloria Patri and Doxology na napapalibutan pa ng mga Anghel na may hawak na byolin at harpa. Sa panahon ito nababago ang Top 10 list na nahahaluan na rin ng out of the Hymnal na kanta, pasado na e. Sa mga di pinalad na pumasa senti pa rin naman dahil andyan ang Theme song na “God Will Take of You”.
        Sa dami ng kantang iyon, parang nag-google surfing ka na rin kung naghahanap ka ng mga kantang nababagay at napapanahon sa loob ng kumbento. Ganyan kalupet ang dormitoryo sa pangangailangan ng mga estudyanteng litung- lito sa mga desisyon nila sa buhay, Holistic Approach ika nga.
        Ganyan lang ka-simple ang aming buhay Gigising, maliligo, mag-aagahan, magdu-duty or lecture, magta-tanghalian, balik duty ulet,  after duty babalik ulit dorm, visit ulit sa pasyente para bukas, magha-hapunan, chapel service, iiyak, Library, aattend ng mga meeting, gagawa assignment o requirements, review, maliligo, matutulog at gigising ulit sa ayaw mo o ibabagsak ka nila. Hanggang sa malaman na lang namin pari, pastor o madre na kami sa propesyon namin. Oo tama !, mga pastor din kami dahil required kaming maging Preacher minsan sa aming buhay sa harap ng maraming kapwa mo estudyante. Ganun din kelangan din namin kumanta sa harap ng kongregasyon bilang isang choir o kung meron kang special offeratory song mag-isa gaya ng walang kamatayang Heart of Worship na sumira sa singing career ko.
        Hindi ko naman sinasabing bitter ako ngayon o ayoko ng mga pinagdaanan ko. Siguro talagang swerte ng maituturing ang di sadyang pagpasok ko ng presinto, dahil nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. Malaki talaga ang naitulong ng Hymnal Music Hitlist, Preaching, and kung anu-ano pang gimik na naging patok bilang isang seminarista.

Sagutan: Piliin at salungguhitan ang di kasali sa mga sumusunod.
1.    Presinto, Kumbento, Seminaryo, Skul sa Morga, Tondo
2.  How Great Thou Art, Blessed Assurance, Nobody but You
3.  Preaching, Singing, Praying, Shifting





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento