Dumaan ang maraming kwentong jeep sa buhay ko sa tuwing pumapasok ako ng ospital, naging close na rin kami ng biometrics sa tuwing nilalapat ko ang aking hinlalaki at binabati na niya ako ng, “tsing, tenyk yu!” at malugod ko narin siyang sinasagot sa harap ng ibang tao na “welkam!”, para di sya ma opend. Ito ang simula ng pagbilang ng papiso-pisong pera na sinasahod namin bilang isang Nurse sa Pusod ng Tondo, katumbas ang daan-daang problema sa loob ng ospital.
Hindi biro ang maging isang nurse, gaya ng inaakala ng iba. Sa likod ng pagpapastol ng mga makukulit na pasyente, ay ang katakot-takot pang responsibilidad. Sa kabila ng lahat di ko rin naman masasabing ayoko ng trabaho ko, iba ang pakiramdam kasi pag nakita yung pasyenteng halos patay ng dumating sa’yo ay uuwi sa bahay na parang walang nangyari at sasabihin pang, Maraming salamat! Iyon siguro ang bagay na di kayang bayaran ang pakiramdam na naging epektibo ka sa propesyon mo at naging pagpapala ka sa maraming tao... Direk!, teka lang nagiinarte lang ako.
Marami na akong nasaksihan pangyayari di ko makakalimutan sa loob ng ospital, simula sa seryoso at maseselang bagay hanggang sa mga kalokohan na talaga naming di mo makakalimutan, gaya ng isang usapan ng Isang Consultant at Resident Doctor;
Consultant: Kamusta ang pasyente?, may Babinski ba?
Resident: Yes Dok! (sabay smile)
Consultant: Left or Right?
Resident: Ahh... (nag-iisip) Right dok! (smile ulit)
Consultant: Sure ka? (smile)
Resident: Yes Dok!
Consultant: Di ba Below Knee Amputated siya sa right? (smile)
Resident: Ay, oo nga dok! Hehehe... (tawanan!)
Nakakatuwa din na marami pa ring doktor ang pabibong katulad ko na sumasagot na parang talakakayan sa grade 1. Kahit na hindi sigurado ang mahalaga ay may maisagot lang.
Wala pa akong isang taon pero nakagawa na rin ako ng kalokohan gaya n’un. Nakakatuwa pero nakakatakot ang mga eksena na parang pelikula;
Isang umaga, tumawag sa telepono ang isang cardiologist na head ng aming department para kamustahin ang kanyang pasyente na may Upper Gastro-Intestinal Bleeding (UGIB).
Dr. Cardio: Kamusta ang patient ko?
Bob-Piz: Ahh...dok, (kinakabahan) bumaba po ‘yung Blood Pressure n’ya, pero nagpa start na po ako ng Levophed drip para tumaas.
(May order na Insertion of NGT –Nasogastric tube pero di ko pa nagagawa)
Dr. Cardio: Ahh... Ganun ba?, nag-insert ka na ba ng NGT?
Bob-Piz: Yes dok! (pabibo kong sagot kahit hindi ko pa nagagawa ang procedure)
Dr. Cardio: May na drain na ba kayo pagka-isert?
Bob-Piz: Ahh... wala dok!, di pa po kami kasi naglalavage e (at may dahilan pa!)
Dr. Cardio: Ah, sige mag lavage kayo, then kung may ma drain kayo refer nyo d’yan sa residente.
Bob-Piz: Yes dok! (baba ng Telephone)
Ngunit wala pang apat na minuto, hindi ko inaasahang dumating agad si Dr. Cardio, na-shock ako dahil hindi ko pa nagagawa ang NGT insertion. Parang gusto kong magtambling ng mga oras na ‘yun
Bob-Piz: My God!
Lumapit si Dr. Cardio sa pasyente, wala na ako magagawa kundi kumain ng sarili kong kahihiyan. Sabay bulong sa sarili, “Ayan tarantado ka pabibo ka kasi!, buti nga sa’yo”.
Dr. Cardio: Kala ko ba na insert mo na ang NGT?
Bob-Piz: Ahh…ahh… (nai-Stroke)
Dr. Cardio: ‘Tay papasukan ko kayo ng tubo sa ilong papuntang sikmura… (kinausap na lang ang pasyente)
Nag-insert na nga si Dr. Cardio ng NGT, pagkatapos ng maipasok ay lumabas ang Fresh Blood sa NGT sabay iling ng ulo ni Dr. Cardio.
Bob-Piz: Teka lang!, Lilipad na ko!
Ayoko ng pag-usapan ang mga bagay kasunod ng mga pangyayari, parang gusto kong kumain na lang bubog sa Circus sa kahihiyan. Kaya simula noon sinnungaling ko pa rin niloloko ang mga doktor pêro wala na kong sinasabing NGT output, para sure. Nilo-lock ko na rin mabuti ang pinto ng ICU, at tinatanung ang papasok sa labas sa pamamagitan ng intercom;
Bob-Piz: Sino po sila?
Naging pangkaraniwan na lang din sa akin ang mabangis kong trabaho. bilang isang Nurse sa Pusod ng Tondo. Hindi ko alam kung paano ko natutunang mahalin ang trabaho ko sa kabila ng pangii-snab sakin ng mga pasyenteng comatose, ang pagwawala niya sa oras ng kanyang pagkakaroon ng malay, ang di makontrol na mala-Manny Pacquio niyang suntok at sipang nagpapamura sa’kin at ang hiling kong sana comatose na lang siya ulit!, “tarantadong iyon sakit kaya”. Sa kabila ng lahat ng iyon marami na rin akong natutunang stunts and art of self defense na di ko matutu-tunan sa seminaryo andyan ang tie a hand, cocktail on the table, holy punch, simple pinchie, tongue with guard at kung anu-ano pa! Para sa karagdagang impormasyon ukol dito, may free lecture and training kami. See posters and Print Ads for details.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento