Powered By Blogger

Chapter IX: Pabile

       Naging pangkaraniwan na lang biyahe ko pagkalipas ng maraming buwan, natuto na rin ako nang mga daan kung saan higit akong makakatipid sa pamasahe, pero sa totoo lang meron kaisa-isang bagay na di ko makasanayan. Ang hindi makatulog sa gitna ng biyahe galing sa panggabing duty.
        From night duty ako, napagpasyahan ko ng umuwi at sumakay ng jeep na may signboard na Sangandaan nang malaman naming sarado pa pala ang Jollibee Ilaya sa tapat ng Sto. Nino Church para dun kami mag jamming ng agahan ng mga bandang 6:30 ng umaga.
        Gaya ng dati, iba talaga ang pakiramdam ko sa jeep lalo na kapag antok na antok na ko, parang duyan. Pilit ko mang nilalabanan ang pagsara ng malalaki kong mata para akong tangang nagmumukhang alien sa antok habang pinatutugtog ng manong driver ang mellow music ng kanyang jeep. Mapalad na ko kung matapos ko ang biyahe ng hindi ako makakatulog at gigisingin ng ng driver at sasabihing “Boy, saan ka?, dito na tayo e” (Lugar ng sangandaan).
        Dati aaminin ko nahihiya pa ako, dahil nakauniporm ako gegewang-ewang sa jeep, kasunod ang mala-head banger sa pagtaas ng ulo galing sa mala-alien pagkakayu-kayok ng ulo matapos mabitawan ang hawakan na bakal sa loob ng tsubibong duyan. Dahil doon ay natuto ako ng iba’t ibang teknik upang di magmukhang kahiya-hiya habang natutulog. Una, ay ang pagsuot ng shades para di mabosohan ang nakatirik kong mata, pangalawa ay ang pag upo sa hulihang bahagi ng jeep upang may masandalan at pangatlo ay pagsuot ng ordinaryong T-shirt pangtaas sa halip na buong scrub suit upang di malaman na ang gumagapang sa loob ng jeep ay isang nurse. Dahil dito ay maiiwasan ko ng makarinig ng mga nakakahiyang bagay, at ibang bagay na lang ang maririnig ko;
Pasahero: kawawang janitor, Pagod na pagod...
        Mabalik tayo sa biyahe, Maswerteng kong di nakatulugan ang biyaheng Ilaya-Sangandaan. At taas-noo akong bumaba ng walang kahihiyan…Yehey!, wala pang ilang minuto ay nakasakay na ako ng biyaheng Sangandaan- Tatawid, Malabon. Doon ay halos nagbagong anyo ako sa pakikipaglaban sa antok kaya napagdesisyunan ko ng umusad paurong sa dulo ng jeep para may masandalan, sa pagkakataon iyon hindi ko na mapigilan ang pagsara ng kanan kong mata, kaya nagaya na rin ang kaliwa kong mata na nagmistulang talangka sa gilid ng pampang. Kahit pilit ko pang labanan, wala na akong nagawa kundi itaas ang banderang puti ng kaantukan. Hindi ko na alam ang nangyari at wala na kong pakiaalam kung may magnanakaw o ako ang magmumukhang magnanakaw dahil sa nakakatakot kong itsura habang natutulog. Siyempre, gumigising pa rin naman ako pagna-uuntog sa bakal na jeep at pasimpleng pumipikit at nagmumurang, “Syeeeeet, ang saket!”, dahil doon ay nabubuhayan na ako ng loob.
        Bumaba ako ng jeep ng makarating na ako sa tatawid, malabon. Ayoko nang pag-usapan kung proud pa ako sa sarili ko, kaya sumakay na ako ng jeep papuntang Obando.
Last trip na, pêro wala pa rin ako sa katinuan, at makitang bakal para magising ako. Sa kabila ng pupungas-pungas ako, napatingin ako sa isang Ale na biglang nagtaas ng kamay. Hindi ko inisip na magdedeklara siya ng Holdap, pero nagulat ako ng sinabi niyang;
Ale: Pabili po! (habang inaabot ang kanyang pamasahe)
Sandaling natigilan ang ibang sakay ng jeep, kasunod ang pagtawa ng ilang sakay na kitang-kitang pigil na pigil. Ngumiti ako, pero pigil din ako sa pagtawa sa isip ko gusto ko siyang sagutin. “ano pong bibilin nyo?... Adik po ba kayo?”... Ilang sandali pa ay nag salita ulit ang Ale;
Ale: E kanina kasi bumili ako e! Hahaha...
Lalong nagtawanan ang mga sakay sa dahilan ng Ale, nagmistulang Comedy Bar ang Jeep. Nawala ang antok at katakot-takot na katarantaduhan ang pumasok sa isip ko, “Ano kaya bibilin nya... Gasolina? Bibilin nya kaya ‘yung jeep? Umabot ng ilang minute ang kahihiyan ng Ale, di nya siguro akalain magiging instant celebrity sya sa jeep!
Hindi ko pa rin mapigilan ang pag-ngiti sa loob ng jeep na parang asong ulol. Sa tuwing naaalala ko ng paulit-ulit ang sinabi ng Ale. Para di naman ako mapagkamalang baliw sa pag-ngit ng mag-isa, nilabas ko na lang ang atensyon ko sa labas ng jeep, Pero ganun pa din, “panu kung ako ‘yun?”, sana nilamon na lang ako ng sasakyan, at naglaho sa loob na parang usok ng tambutso, hahaha!
Sa huli, ay di na bago ang ending ng istorya, nagising na lang ako sa di ko namalayang pagkatulog sa isang bisitang simbahan. Lagpas na naman ako sa aming bahay, “yan ang karma ng kakatawa!”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento