Isa siguro sa magandang pakiramdam ng isang Nurse ay ang unang suot ng kanyang kauna-unahang ng uniporm sa trabaho. Hindi ko maipaliwanang kung gaano ka-espesyal at anong eksaytment ang nararamdaman ko pero parang bertdey ko nung mga araw ng ‘yun. Sa totoo lang naiingit ako dyan sa uniporm ko na yan nung kaleyg pa ko, dahil di ko naranasan makapagsuot nito sa labas ng kumbento. Di kagaya ng ibang nursing students all in one ang white uniporm nila: pang ospital, pang mall, pang lakwatsya, pang inuman at kung anu-ano pa. Pero sa seminaryo namin di kasi kami pinapayagan gamitin ang sagradong uniporm sa kung saan saan lang, kasi isa daw ‘yun sa paraan ng pagrespeto namin sa aming propesyon at marami pang dahilan. Naniwala na ko kasi baka ibagsak pa nila ko, kaya tiniis ko ang ganoong sitwasyon hanggang magulat ang mga kapitbahay naming na nursing pala ang kinuha ko at di pag jajanitor.
Pero dumating ang pinakaaasam kong araw, “Pers tym”, ika nga ang makapagsuot ng “scrub suit” sa unang pagkakataon bilang isang ICU nurse. Kahit di ko alam ang trabaho ko n’un, wala ko pakiaalam ang mahalaga may bago ako uniporm. Babarilin ko ang sinumang magpapahubad sa’kin n’un, wala ni sinuman ang pwede maging KJ sa unang araw ng yun.
Bago dumating ang araw na inaantay ko, tinanong ko muna ang isang staff sa ICU kung,
Bob-Piz: Pwede na ba ko mag scrub suit bukas? (Excited)
ICU staff: siyempre naman!
Di na ako nagdalawang isip, pagkatapos ng AM duty ko ay sinadya ko ng pumunta ng Bambang, ang sentro ng bilihan ng mga scrub suits. Light blue ang kulay ng scrub na binili ko hindi malayo sa kulay ng pagiging janitor, pero di ko na pinansin ‘yun dahil mas nananaig ang excitement na parang Dedication Ceremony nung Kaleyg pa ko. Sa sobrang proud ko ay dumaan ako ng monumento at pinaburdahan ko ang scrub suit ko ng pangalan kong BOB-PIZ at sa ilalim nito ay nakasulat din ang lapidang Medicine ICU and in an instant bago magpatid ang ngayon at kinabukasan may uniform na ko na may pinagmamalaking pangalan.
Kinabukasan, 4:30 ng umaga maliwanag ang kalangitan, tulog pa ang mga anghel at overtime ang mga maligno; ay naging hudyat ng paggising at pagsuot ng di makatulugang uniporm. Hindi ko alam ang pakiramdam ko n’un, parang nahihiya ako kasi ang epal ng name sa uniporm ko, biruin mo orientation pa lang may uniporm na at may pangalan pang Medicine ICU! Waaaah... pa’no kung di nila ko kunin?hehe... mukhang tangang ewan, pero no choice, nasa jeep na ko kakapalan ko ang matigas kong bungo. Di ko naman pwedeng hubarin at sabihing,
Bob-Piz: Naputikan e! (palusot)
Eh kung takpan ko naman yung name ko magmumukha akong komang at mas lalo yatang nakakatawa kung bigla na lang nilang makita ng di inaasahan, “tsaran, ang lupet ng name mo ha!” hahaha!
Saktong labing-limang minuto bago mag ala-sais ay dumating ako ng ospital. Habang lumalapit ang lakad ko papuntang ICU, kinakabahan ako sa di maipaliwanag parang gusto kong magtambling ng tatlong beses o kaya ay makagat na lang ng ahas sa para mawalan na kang ng malay. At ang nakakatawa pa n’un, lobby pa lang may bumati na sa uniporm ko na mga klasmeyt “wow!, ICU”, sabay ng maalaskador na tawa nila, nasabi ko na lang sa sarili ko, “mga hayop kayo”, pero okey lang sa’kin kung mga klasmeyt ko ang tatawa.
“Tsing, thank you!”, sagot ng biometrics pagkatapos kong ilapat ang hinlalaki ko sa pulang ilaw upang mga log-in, “welcome”, hahaha... di ko y’un sinabi baka akalain nila may sapak ako.
Ilang hakbang mula sa kinatatakutang kong area, mas bumilis tumibok ang puso ko, dumaan ako ng Nursing Service Office pero maswerteng di ako napansin ganun din sa Medicine Ward. Hayan na!, nakita ako ng aming head nurse ilang di pa mula sa kinalalagyan nya sa Medicine Annex sabay sabing,
Head Nurse: Ayos ah, naka-scrub suit na!
Ngiti lang ako na parang aso ulol, pagpasok ko ng ICU speechless ako pakiramdam ko n’un slow motion ang lahat... lahat... lahat... nakatingin sila sa’kin. Gusto kong hubarin ang uniporm ko sa kahihiyan, “ayan kasi ang epal, excited kasi masyado”, bulong ko sa sarili ko. pero the show must go on, kahit comedy agad ang simula.
Endorsement na, biglang pumasok ang aming head sabay kapit sa balikat ko,
Head Nurse: Ayos ah, may burda agad!
Tumawa ang mga MICU staff, kaya tumawa na rin ako sa kahihiyan. “panindigan mo ‘yan”, dugtong ng aming Head Nurse.
Sa huli na ka-adjust na ko sa kahihiyan, pero talagang naging challenge sa’kin ang maging isang ICU nurse, at eto ngayon tatlong taon na ko, na lahat ng uniporm ko ay walang burda! Hahaha...
Sasamantalahin ko rin ang pagkakataon na pasalamatan ang mga tao sa likod ng krimeng ito. Ang dati kong Head Nurse, sa mga dating Medical ICU staff na pinagtawanan ako at sa mga Ward Nurses, Nursing Assistant, Orderly, Ward aid, pull-out na walang kinalaman sa kwentong ito; kung nasaan man kayong lahat, “fulltank ka!, Rambo ka!”, sana mabasa n’yo ‘to.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento