Powered By Blogger

Chapter III: Dormitoryo

         Kung ikukumpara ko ang hayskul at kaleyg para saken “jackpot” pa rin ang mga tambay sa kanto, di ko ma gets kung anung “motto in life” nila pero masaya sila sa simple at payak nilang buhay. Sa totoo lang wala naman talaga ang kasiyahan sa mga materyal at kung anong personal na bagay na meron ka, nasa tao lang din yan kung paano gagawin ang hirap sa sarap. Kung lagi lang natin iisipin ang mga problema natin, tiyak lahat tayo ay matatagpuan sa isang sulok na may lubid sa leeg, nakalabas ang dila, at parang saranggolang pinaikot sa pawid. “Cut!” masyado ng seryoso joke to noh, hindi telenovela!...
        Mabalik tayo sa pagkokolehiyo ko.  Masasabi kong masarap talaga ang buhay kaleyg lalo na ng dumating ang ikalawang taon namin sa kursong pag papari “ay este” pagnanarsing! Di ko akalain na dadalin ako tadhana sa isang mala-paraisong Tondo. Doon kasi nakabase ang aming totoong kaleyg, joke lang daw kasi ung sa Pedro Gil. As usual walang ibang kwento sa lugar ng Tondo kundi patayan gamit ang itak, baril, espada, laser sword na kagaya kay shaider, at ang espesyal na Sumpak ! Pero aaminin ko di ko na masyadong napansin ang mga kaguhan na yun dahil para kami isdang nilagay sa Aquarium sa gitna ng dagat.
        Da bes ng skul ko no!, sikret basta ang klu matatagpuan ito sa Pusod ng Tondo sa kanto ng tahimik na lugar ng Morga. Sa labas ay para itong gubat sa dami ng puno’t halaman na akala mo ay camping sight. Pero sa loob ay isang mahaba dormitoryo at isang akademik bilding na may apat na palapag, meron din itong maliit na Gazeebo na saksi sa lahat ng mga usapan, tsikahan, bangayan, ligawan, at kalokohan ng mga estudyanteng gusto tumakas sa loob ng nasabing presinto.
Ang tahimik ng lugar na iyon. Kung maglalakad kang mag-isa, malamang ay ikaw lang mismo ang makakagulat sa sarili mo at mapapasigaw ka ng “ay lintik! Aswang!”. Kasi madami bawal, at kung ililista ko lahat dito ang mga pamantayan ng eskwelahan at dormitoryo, panis ang kumbento at seminaryo, bagsak ang kita ng estasyon ng TV at radyo. Pêro sa kabila ng mabilis na pagunlad sa larangan ng komunikasyon at tranportasyon hindi pa rin matatawaran ang tulong ng Star Newspaper at Manila Bulletin, dahil nagshoshock na lang kami na patay na pala si FPJ two weeks ago, joke lang three days ago naman, pêro depende kung may time ka pang magbasa ng dyaryo.
Di naman ako bitter sa uri ng training namin sa sikat na skul namin, lalo na ng nalaman ko na ang ang dedikasyon at disiplina ng nasabi eskwelahan ang nagpatibay ng pundasyon sa loob ng isang daang taon pagkakatatag. Pêro higit kong ipinagmamalaki na sa isang daan taon nito, nanatili pa rin isang daang porsyento ang pumapasa sa larangang ibinibigay nito. Di ba da best!
Makalipas ang apat na taon pagkakabilanggo, nabigyan na din naman ako ng parola na kumuha ng Board Examination at awa ng diyos katakot-takot na kontrobersya ang inani ng namin dahil sa leakage. Pêro sa kabila ng lahat, hayop!, pasado pa rin sa ikalawang pagkakataon at dito nagsimula ang mas marami ko pang kwento na maaring magpasaya sa inyo.
“Di aman ako ang da best sa batch namin sasamantalahin ko na ang  speech at pagpapasalamat sa pahinang ito; sa aking magulang, kaibigan, katong-its, kakosa, katropa, kakopyahan at sa mga klasmeyt na para ko ng mga kapatid. Teynk yu sa inyo, di ko kayo malilimutan kung paano nyo ko bigyan ng kung anu-anong alyas! Na naririnig ko pa rin hanggang ngayon na pang sumpa na di matanggal-tanggal. Sa mga titser ko na walang sawang manoksik samin, teynk yu po! Ang sarap din po pala hindi matulog at ma-appreciate ang bagay na di mo tinulugan sa gradong di mo rin papaniwalaan”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento