Powered By Blogger

Chapter II: Kurso

       Masyadong mabilis ang panahon, hindi ko namalayan na kolehiyo na pala ako sa kursong parang damit na uso. “Nursing” ba?, Oo, nursing daw!, yun ang sabi ng magulang ko.

Marahil di lang ako ang may ganitong karanasan. Sa kurso na daw na yon ay marami oportunidad, yayaman ka daw, makakapunta ng ibang bansa, at higit sa lahat magiging bayani ka sa sarili mong kita. Siyempre lumaki pa lalo ang mata ko!, nauto ba?, kaya Nursing ang kinuha ko.

Nag enrol ako sa isang kristiyano unibersidad sa Maynila, sa kanto ng Pedro Gil, na napapaligiran ng maraming 7-eleven, walking  distance sa isang malaking carinderia na may karatulang “Robinsons Place” at tapat ng kinamanghaan ko tren na LRT. Di ko muna ikukuwento ang mga katangahan ko, simula sa pag-insert ng LRT magnetic card, pagtawid ng kalsada, pag-order sa McDo hanggang sa halos lamunin ako ng sarili kong kahihiyan. Basta ang laging nasa isip ko noon ay hindi ako lumagpas sa Pedro Gil station dahil baka matagpuan na lang ako sa isang station ng radio, at nagsasabing “nawawala ako”.

Lumipas ang maraming buwan at dun ko lang natanggap na kolehiyo na talaga ako, siguro ay ganun lang talaga sa una magmumukha kang bisaya. Nag-iba na ang ihip ng mundo at unti-unti kong nalaman na may tamang tawiran pala, na hindi ko na kailangan kantahin ang “Red is stop, Green is go”, na pwede pala ako manulak para hindi maipit sa pinto ng LRT at magtanung kung nawawala na ko.

Marami akong nakilalang mga kaibigan, at masaya ako dahil naging parte sila ng kalokohan ko sa buhay. Itago na lang natin sila pangalan bert labi, mits noo, at jil tenga (peace), wag nyo nang itanong kung ano parte ng katawan ang pwede i-alyas sakin dahil sa mata ko pa lang, gets na! Proud ako, kasi lahat sila sobrang gagaling may magaling mag-ingles, magaling sa pormahan at may likas na talino. Kaya nga siguro sumama ako sa kanila para di pansin na tokneneng ako.

“...sasamatalahin ko ang pagkakataon, paparambo ko po sana ang mga kakosa ko si bert labi, mits noo at jil tenga kung nasaan man kayo... Fulltank ka! Rambo ka!”

Marami akong natutunan sa mga katangahan ko sa unang taon sa kursong uso. At higit pa na nabatid kong mas masarap pala maging kolehiyo dahil mas malaki ang baon at makapangloloko kami sa presyo ng libro. Kasabwat ko pala dito ang aking ka-edad na pamangkin kung nasan ka man... “fulltank ka! Rambo ka!” marami salamat dahil sa matagumpay na plano natin nakabili ako ng t-shirt.

Kung maibabalik ko lang, at papipiliin ulit ako ng kurso nang pwede kung kunin sasabihin kong NURSING pa rin, dahil malamang di ko malalaman na makapagsusulat pala ako ng ganito kung  hindi dahil sa mga tao naging parte ng College life ko, para sa inyo ‘tong pahina na to!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento