Powered By Blogger

Chapter I: Tear Gas

        Hilig ko talaga ang magsulat kahit noon pa. Nagsimula pa ‘to nung highschool pa ko, ng pindutin ng klasmeyt namin ang Tear Gas spray nyang baon bilang pagyayabang sa  kanyang deadly weapon. Totoo nga di kami nakaligtas, dahil sa isang pindot lang kami mga estudyante sa likuran ay nag-ubuhan habang patuloy na nagtuturo ang titser namin sa Pilipino na walang pakialam kung mangisay kami kakaubo.

Simula nu’n nagbago ang ihip ng hangin, nagging mabantot kaysa sa utot na laging sumasabog sa gitna ng mainit na baliktaktakan sa klase, pero nanatili parin ang mga bobito at bobita at ang mga henyo na laging may dalang libro na feeling pasan ang buong Obando Nasyonal hayskul. Nakakatuwa o parang nakakinis din na kahit lahat ay nagiging biktima ng mabahong amoy na nakakasikip ng dibdib walang nagtatangkang magsumbong, nagiging usap-usapan lang at nagiging palaisipan kung paano nakakaligtas ang tarantado naming klasmeyt sa gwardya  na lagi namang mhigpit.

Sa kabilang banda nagging maganda rin ang pag gamit ng Tear Gas sa klase,  hindi dahil sa kinatatakutan ito kundi dahil natuto ang lahat na magdala ng panyo at kahit anong pantakip sa ilong. Hanep!, lahat naging maselan na’t naging usap-usapan kung anu ang tatak ng panyong baon nila. Hindi ko lang matandaan kung may panyo ba talaga ako, noon kasi wala naman kami pera pambili ng kung anu-ano para sa sarili lang namin. Ang tanda ko lang ay ang bimpo na ginagamit ko galing pa sa mga kapatid ko.

        Mabalik tayo sa Tear Gas, siguro umabot din ang pambansang pabango noon din nang mga ilang linggo. At sa kabutihan palad nawala rin ang deadly weapon ng klasmeyt kong gago. Nabalitaan kasi naubos na ang laman ng Tear Gas, kakalanghap-sarap ng estudyante habang nagkaklase, at siguro din hindi na epektib ang nasabi deadly weapon dahil nasasarapan na ang iba. Bali-balita rin na may nagsumbong na estudyante sa gaydans kaya natigil na ang nasabing kalokohan, pinatawag din daw ang magulang ng estudyante ng may dala ng tear gas hindi para refill-an ang tear gas kundi kundi aksyunan ang kaangasan ng nasabi 4th yir hayskul estwudent.

        Simula  noon natahimik na ang klase, lahat ay nakahinga na ng maluwag, maliban na lang sa UTOT na minsanang sumusulpot, nagpapaalinsangan ng panahon at nagpapatigil sa paghinga ng mga estudyante. Siguro naman ay wala ng magrereklamo dahil natural na ang gamit na deadly weapon,”Evironmental Friendly” ika nga.  At lahat ay tabla-tablang may alas kung kailan sumakit ang tiyan! Booom!, Brrrruuuut! Minsan ay may laman, sori kung ikaw ang katabi dahil mapapalundag ka sa klase!

        Hanggang dumating na ang pagtatapos ng nasabing klase, lahat ay busog sa kaalaman at utot na may laman. Pero di matatawaran ang saya na dulot sa tuwing naaalala ko ang mga kalokohan na ang biktima ay ako naman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento