Malinaw pa sa aking malapad na noo ang mga alaala ko noong ako ay unang pumasok sa malagubat na eskwelahan sa d’yan sa Morga, Tondo; matapos kong maswerteng naipasa ang unang semestre sa kristiyanong unibersidad sa kanto ng Pedro Gil, Manila. At dahil ikalawang semestre na, sa unang antas na nauusong kurso kinakailangan namin pumunta sa isang lupang pangako upang kunin ang aming Meydyor-meydyor sabjek ang “Anatomy and Physiology”.
Kabado ako sa pagpasok noon hindi dahil sa hirap ng pag-aaral, kundi dahil perstaym akong babiyahe mag-isa papuntang Tondo. Hindi pa naman uso ang Global Positioning System noon at corny kung magdala pa ako ng mapa, kaya pinagkatiwalaan ko ang aking sarili dahil minsan na akong sinamahan ng aking tita papuntang Kumbento, Morga, Tondo. Sabi ng pinsan ko, tantsa nya ay isang oras at labing-limang minuto ang biyahe papunta doon at basta daw tandaan ko na makakakita ako ng isang malaking simbahang katoliko at malapit sa kanto doon ay bababa na ako (Sangandaan- Ilaya).
Maaga ako gumising noon at nagpataan ng 30 minuto para hindi mahuli sa klase, suot ko ay ang asul na pantalon at polong may nakaburdang P.C.U. (Philippine Christian Ukstore), suot ko din ang aking I.D., na magagamit ko kung ako ay mawawala.
Sinunod ko naman ang bilin sa akin at maswerte kong natanaw ang simbahan ng Ilaya, ngunit sa kaengotan palad ay napa-aga ang “para” ko sa manong driver at nahinto sa isang kantong may karatulang “Moriones” (kanto bago ang Morga).
Bob-Piz: Lintik na driver na ‘yun excited!
Hindi na ako nakipagtalo sa driver dahil na-realized ko na ako pala ang “pumara”, pero nadagdagan pa ang aking problema dahil limang minuto na lang ay late na ko.
Bob-Piz: Isang oras at labing-limang minuto pala ha!, maya pag-uwi ko, barilin kita! (galit sa pinsan)
Habang nilalakad ko ang ang tila parke sa moriones na nagmistulang camping area sa dami ng natutulog, nakakita ako ng isang babae na may asul na pantalon at white na blouse. Napangiti ako na parang asong ulol,
Bob-Piz: Yes, may kasabay ako!
Mga sampung hakbang lang ang layo nya saken, kaya binilisan ko ang lakad ko para maabutan s’ya,
Bob-Piz: Miss, kumbento ka din? (Smile)
Miss Aubrey: Oo, late na tayo bilisan natin! (Bungisngis)
Pinasok na namin ang ospital para makarating ng kumbento, pero ang daming pasikot-sikot kaya parang ang haba-haba ng nilalakad namin at tulad ng inaasahan late nga kami. Sa likod na kami umupo (2nd Floor Academic building), magkatabi kami at nagtinginan samin ang ibang estudyate.
Ilang sugendo pa lang ay may narinig kaming,
Lecturer: Get wan port syit op peyper!
Bob-Piz: Bakit nagturo na ba sya? Kanina pa ba nagturo?
Klasmeyt: About Skeletal system daw!
Bob-Piz: Skeletal system? E sa isda nga natitinik pa ko e! (habang naghahanap nang mahihingian ng papel)
Pitik-bulag naming sinagutan ang mga tanong ng lecturer, halos bulong lahat galing sa katabi ang sagot ko sa tanong. Tandang-tanda ko na marami pa ang bakante kaysa sa sagot, kaya ang pakiramdam ko n’un, ako ang magha-highest!
Bob-Piz: Pag ako naka-perfect manlilibre ako!
Siya nga pala binabati ko sa pahinang ito ang Miss na aking nakilala, na naging Aubrey Miles ng Aming Batch. Kung Nasaan Ka man... Fulltank ka!, Rambo ka! Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, biruin mo napatunayan kong, ang naglalakad ng matulin, natitinik ng malalim! Pero sa kabila ng lahat ay proud ako dahil parehas nating nairaos ang kumbento.
Lumipas ang isang Linggo, mas maaga na akong nakarating na kumbento hindi na ako late gaya ng dati... pero bagsak pa din gaya ng dati! Nakita kong naka-post ang aking pangalan sa bulletin board kasama si Miss Aubrey na nakasabay ko last week.
Bob-Piz: Ano kaya bakit kaya tayo Please see me? Siguro late kasi tayo Last week.
Sabay kaming pumasok ni Miss Aubrey at pinakita sa aming dalawa ni Miss. G.C. ang aming test paper na may parehas na sagot, parehas na score na 1 at parehas na bura! The best di ba? Hindi na ako, nag-react noon parehas kaming PINANGAKO na hindi na mangongopya simula noon.
Sabi nga, mas mae-enjoy mo daw ang buhay estudyante kung meron kang mga ganitong karanasan. Karanasan na maaaring itatago mo na lang kung lalabas kang kahiya-hiya o ikukwento mo na lang para mapagtawanan. Pero sa huli ang mananatiling panalo ang positibong kumikilala sa mga negatibong pangyayari sa buhay na nagiging batayan sa kung ano ang tama at matuwid sa paningin Diyos at tao.
Gawaing Pagsusulit:
1. Di ka ba Nangongopya sa klase? Di nga? Owss?
2. Sino ang mga tauhan sa kwento? Wag kang maingay!
3. Meron ka bang B. Agtarap Award? Yabang!
4. Na- “Please see me!” ka din ba? Hindi?... Sinungaling!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento