Sa totoo lang wala namang kinalaman ang mga sinabi ko sa ikukwento ko ngayon, trip ko lang ‘yon dala na rin ng pagbabasa ng isa mga pinakapaborito kong awtor ng mga libro. Medyo malalim pero sa totoo lang wala yang laman hehe...
Malaki na rin ang itinaas ng ng kaengotan ko sa prepesyon aking pinili lalo ng nung nakatungtong na ako na sa isang espesyal na yunit ng Ospital sa kanto medisin aneks na may karatulang Medical Intensive Care Unit. Dati ay baguhan lamang ako at mukhang walang kaalam-alam pero ngayon ay ganun pa din, maliban na lamang sa pagtawag nila sa aking “Ser”, na parang hayskul titser. Sa una ay di ko matanggap na “Ser” napala ako hanggang sa tuluyang napapalingon na lang ako sa tuwing binabanggit ang salitang iyon kahit na di na ako ang tinatawag.
Mabilis lumipas ang panahon kasabay ang pabago-bagong dating ng mga pasyente at naging pangkaraniwan na lang din sa akin ang pakikipagsapalaran nila para mabuhay. Sa totoo lang may mga pasyente nakakaawa dahil nakikita mo ang reyalidad ng kahirapan at meron din nakakainis na parang ayaw na nilang mabuhay sa kalikutan at masasabi mo na lang na, “Itay, pagnabunot mo yang tubo mo sa bibig (Endotracheal tube) mamamatay ka!”, pero wa-epek ang sinabi ko dahil bubunutin pa rin nila iyon sukli ang kanilang buhay kasunod ang aking bulong na, “Sabi ko sa’yo e”. Dati nararamdaman ko ang salitang “guilty” sa tuwing namamatayan ako ng pasyente, pero hindi naman ibig sabihin na manhid na ako sa trabaho ko ngayon. Siguro ay mas naging positibo lang ang pananaw ko, na ang kamatayan ay pinto sa mas makabuluhan at payapang buhay.
At siyempre kung seryoso ay uri ng trabaho ko, hindi maiiwasang meron din spoof na nagpapalasa sa talakayan ng pagsagip ng buhay.
Kasisimula pa lang ng aming Code (pagrerevive ng pasyente), dahil dalawa lang kaming naka-duty ay minabuti kong tumawag ng orderli (Paramedic) upang makatulong sa aming ginagawa (chest compression). Tumawag ako ng opereytor (lokal 0) at sinabi kong;
Bob-Piz: pa prosid po ng orderli, teynk yu!
Operator: orderli?, okey!
Sabay baba ng telepono kasunod ang ginintuang boses galing sa mga sirenang speaker ng ospital,
Operator: “Peydying orderli on dyuti, peydying orderli on dyuti!, plis prosid to medical aysiyu.
Mabilis ako bumalik sa code para mabuhay ang pasyente, ngunit naging mahirap ito para sa akin dahil baguhan lamang ang aking kasamang nars at nangangapa pa sa kanyang gagawin. Maya- maya pa, wala pang ilang segundo ay tumilaok na ang telepono ngunit di ko na iyon masagot sa dami ng aking ginagawa. Buti na lang ay sinagot ng aking baguhang kasama ang telepono.
Nars 1: Gud morning, miku!
Inaasahang kong orderli na ang tumawag at alam kong sasabihin ng aking kasama na nagrerevive kami, ngunit nagdilim ang aking paningin kahit sadyang malaki ang pagkakalikha ng aking nito matapos kong marinig ang pagtawag sa akin ng baguhang nars at nagtanong;
Nars 1: Ser! Ser!
Bob-Piz: O bakit?
Nars 1: orderli po!, bakit daw po? (serious)
Biglang umalinsangan ang panahon nanliit ang aking mga mata, bumagsak ang aking pawis at napadiin ang aking kamay sa dibdib ng pasyenteng aking binubuhay (buti na lang maiksi ang aking kuko). Unti-unti kong itinaas ang aking nakayukong ulo na parang “slow motion”, kasunod ang pagliwanag ng nanlilisik kong mata ngunit nakangiting labi na parang matatae.
Bob-Piz: tol!, nagrerevive tayo, pakisabi code! (ngiting aso)
Umandar ulit ang malikot kong noo at nagisip kung paano ko pakakalmahin ang aking sarili, paano kaya kung ganito ang sinabi ko sa baguhang nars?
Bob-Piz: Ah orderly ba? Pakisabi kamusta na siya, miss ko na siya... pakidalaw na lang kamo nya ako kahit minsan...
“Siya nga pala binabati ko sa pahinang ito ang mga pull-out sa Medikal ICU... sa baguhan at mga lumang nars na katulad ko hehe... Fulltank ka! Rambo ka! Maraming salamat sa pakikiramay sa aking mga kalokohan at sentimyento.
Sa huli payapa naming natapos ang aming pagre-revive, ngunit hindi ko na maalala ang mga sumunod na pangyayari. Pero sa tuwing naalala ko ang pagkakamali ng isang baguhan, nagmimistulang sariwa ang mga panahon na ako ang nakatayo sa mga nakakatawang kalokohan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento